Kabanata 22

11 2 0
                                    

"Mahiwaga... pipiliin ka sa araw-araw..."

Lahat kami ay sumasabay sa kinakanta ni Lai na nasa stage. Silang mga nasa team harana na ang nagpe-perform.

Nasa backstage na sina Las at Zuie.

Isa-isa silang kakanta na sobra namang nakaka-abang. Tapos nang kumanta ang mga babae kaya lalaki na ngayon.

Ang lively nga ng audience eh, kumpara noong mga unang performance. Bahagyang tumitili ang mga babae habang nakavideo kay Lai.

Nasa likod kami kaya halos puro cellphone ang nakikita namin.

"Kaya ko ring kantahin 'yan eh," sabi ng insecure na si Mijares.

"Kaya mo nga pero hindi ganyan kaganda," pangri-realtalk ni Kyell.

Natawa kami ni Willie pati na ang kanina pang badtrip na si Gale.

"Hindi ka marunong kumanta? Gusto pa naman ni Pei ng mga lalaking maganda ang boses."

Pinalo ko ang braso ni Gale. "Kailan ko naman sinabi iyon?"

Tinignan niya ko na parang sinasabing, 'makisakay ka nalang'. Ngumiwi lang ako tapos ay binalik ang tingin ko kay Lai.

"Si Diell ba maganda boses, Pei?" tanong ni Kyell.

Tumango ako. Natawa naman sila pwera kay Mijares na sumimangot.

"One point para kay Captain." Tinaas ni Willie ang hintuturo.

"Eh ano naman? One point lang eh." Pinalo ni Mijares ang daliri ni Willie.

"Pero malakas talaga maka-attract kapag maganda boses," sabi ni Kyell.

"So, paano kaming mga sintunado, hindi attractive?" bitter na tanong ni Mijares.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya at si Gale. Ako naman ay tumawa rin pero saglit lang.

Aaminin ko, hanggang ngayon naiilang pa rin ako kay Mijares. Siguro dahil siya ang dahilan ng kaba ko kanina na naging sanhi ng pagka-delay ko sa steps.

Hindi ko naman siya sinisisi pero para tuluyan ko iyon na makalimutan ay hindi ko muna siya masyadong tinignan at kinakausap.

Sana lang hindi niya mahalata.

"Excuse me, Pei Altamirano?"

Lumingon kaming lahat nang may tumawag sa pangalan ko.

Bakit kaya gano'n 'no? Kapag may tumawag sa pangalan ng kasama mo, pati ikaw mapapalingon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang babae na naka-off shoulder. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil madilim.

"Hey, nakalimutan mo na ko?" sabi niya, may halong tampo.

Napangiti ako nang mabosesan siya. Medyo slang siya at may pagkamaarte ang boses.

"Sereia?" patanong na tawag ko sa pangalan niya.

"Yeah, it's me!" Dinamba niya ko ng yakap kaya naman niyakap ko rin siya.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now