Kabanata 24

8 2 0
                                    

"Ang gaganda ng bahay dito."

Sumulyap ako kay Willie na manghang-mangha habang nakatingin sa bintana. Pati iyong mga kaibigan niya ay nakatingin din sa bintana.

"Hay, ganyan din itsura natin noong una tayong dumaan dito," sabi ni Gale na nasa tabi ko.

Tumango at bahagyang natawa. Naalala ko kasi iyong itsura namin noon. Parang ganyan din talaga kina Willie.

It's December 25, Christmas day. Nakasakay kami ngayon sa van na maghahatid sa bahay nina Zuie.

In-invite kami ng Mommy niya na pumunta roon para sa isang salu-salo.

Simula nang maging kaibigan ko si Zuie, nasa kanila na lagi ako tuwing pasko ng hapon. Hanggang gabi na 'yon na minsan pa nga, nagiging overnight na.

Nag-iisang anak lang kasi si Zuie kaya madalas magpa-party ang mommy niya para naman daw magka-ingay ang bahay nila kahit minsan.

Naramdaman kong huminto na ang van. Itong van ay pag-aari rin nina Zuie na sinundo pa kami isa-isa.

"Nandito na po tayo," sabi ng driver.

"Salamat po sa paghatid, Kuya Conrad," nakangiting sabi ni Gale bago bumaba.

Nagpasalamat din ako bago bumaba. Narinig kong gano'n din ang ginawa ng lima pagkababa nila.

"Welcome to our house! Feel at home."

Nagtatakang napatingin ang lima kay Gale tapos ay humalakhak sila.

"Kamag-anak mo ba si Zuie?" tanong ni Kyell.

"Hindi, Kyell. Nagfi-feeling lang iyang kasambahay ni Zuie." Tumawa ng malakas si Willie.

"Hoy, ang kapal mo!" sigaw ni Gale. "Sabi ng Mommy ni Zuie sa amin, bahay na rin daw namin 'to ni Pei. Kaya, pwede ka nang umuwi dahil hindi ka na welcome."

Nagmake face lang si Willie bilang sagot.

"Grabe, tingin ko mas maganda itong bahay nina Zuie kaysa sa mga nadaan natin," sabi ni Las habang nakatingala sa bahay nina Zuie.

"Sobrang yaman pala talaga ni Zuie," dugtong ni Lai.

"Guys!" Nagjog si Zuie papalapit sa amin. "Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob? Tara na."

"Merry Christmas, Zuie," bati ko.

"Merry Christmas, Pei." Ngumiti siya. "Merry Christmas din sa inyo, guys."

Binati na rin siya ng mga kasama namin. Papasok na dapat kami sa loob pero may dumating pang van.

Lumabas doon ang ilang ka-team namin.

"Merry Christmas, everyone!" malakas na sabi ni Kuya Jason na unang bumaba.

Tinulak naman siya sa gilid ni Captain dahil nakaharang ito sa daanan. Isa-isa nang bumaba ang mga ka-team namin.

Hindi naman buong team ang sakay ng van, marami rin ang wala dahil syempre, kasama ang pamilya. Si Coach at ang Trainer din namin ay hindi nakasama.

Nagbatian kami ng Merry Christmas bago sabay-sabay na pumunta sa pool area. Kanya-kanya na kami pwesto pagkarating doon.

Iyong iba ay naligo na sa pool. Iyong iba ay nagsimula nang kumain, kasama kami roon.

Sina Mijares ang nag-iihaw ng barbeque namin habang kami ni Gale ay kumakain na ng pizza.

Gustuhin man namin ni Gale na sa mga ka-team namin sumama ay hindi namin magawa. Kawawa naman kasi ang limang ito, baka ma-OP.

"Hi, guys!" Napatingin kaming lahat kay Tita Melody. Naka-angkla ang kamay nito kay Zuie. "It's nice seeing you again! I hope you enjoy the party!"

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now