Kabanata 28

7 2 0
                                    

❗️WARNING: physical abuse❗️
~~~

"Hindi mo ko madadaan sa pa-Gatorade mo."

Sa muling pagkakataon ay inirapan ako ni Kyell. Nang tumalikod siya sa 'kin ay piniligilan kong ihampas ang hawak kong gatorade sa kanya.

Katatapos lang ng training nila at pinuntahan ko pa sila rito sa clubroom nila para lang magsorry.

"Kung ayaw niya, eh 'di huwag, Pei!" nakabusangot na sabi ni Gale sa tabi ko.

Iyong kambal ay naka-usap ko na kaninang umaga nang makasalubong ko sila. Hindi naman daw sila nagalit pero binalaan akong mahirap suyuin si Kyell dahil ito talaga ang bestfriend ni Mijares.

"Talaga! Sa inyo na iyang Gatorade n'yo!" pagmamatigas ni Kyell nang hindi humaharap sa amin.

I sighed. Sabi ni Mijares, bigyan ko lang daw ng Gatorade si Kyell ay okay na.

Eh nasaan ang okay diyan?!

"Kyell, arte mo," natatawang sabi ni Las.

"My-my, huwag mo nang pahirapan si Master," pakiusap ni Mijares.

"Bakit? Ni hindi pa nga siya nagso-sorry eh!"

"Nagsorry na ko kanina. Ang bingi mo naman!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Napatingin silang lahat sa 'kin na nanlalaki ang mga mata.

"K-kita mo... siya pa galit..." hindi makapaniwalang sabi ni Kyell.

I sighed. "I'm sorry, Kyell. Sorry din sa inyong apat. Hindi ko na uulitin iyon kay Mijares."

"Teka... ano? Bakit Mijares tawag mo sa 'kin?"

Hindi ko siya pinansin, hinintay ko ang sasabihin ni Kyell.

"Nagagalit lang naman ako kasi alam kong hindi magagalit sa 'yo itong si Jaffy dahil gustong-gusto ka niya."

Tumango ako. "Naiintindihan ko. Kaya nga pipilitin ko na hindi na iyon maulit. Isa pa, kung sinabi niya kasi agad sa 'kin na... ayon... eh 'di sana hindi ko siya basta-basta sinuntok."

"Hoy, Master. Bakit Mijares tawag mo sa 'kin? Para kang prof niyan eh."

Kunot-noo kong nilingon si Mijares na nasa tabi ko na at kinakalabit ako sa balikat.

Nabaling muli ang atensyon ko kay Kyell nang magsalita siya.

"Sige na, may mali rin kami. Sorry rin kung sinungitan kita kanina."

"Okay na?" paninigurado ko.

"Master, palitan mo iyong tawag mo sa 'kin. Jaffy nalang o kaya Jusffer o kaya Troilus. Pwede ring babe o kaya baby o kaya love o kaya—"

"Manahimik ka nga!" sabay naming saway ni Kyell kay Mijares.

Napanguso naman siya habang tawa nang tawa ang mga kaibigan niya at mga kaibigan ko.

Kinuha ni Kyell ang Gatorade ko sa kamay ko tapos ay ngumiti siya.

"Okay na. Kalimutan na natin iyon," aniya.

Ngumiti lang ako tapos ay tumango. Alam ko namang mabait si Kyell eh. Siya iyong tingin ko ay 'kuya' ng grupo nila.

"Master..." Hinahatak-hatak niya ang bracelet na bigay niya. "Bakit nga Mijares ang tawag mo sa 'kin?"

"Eh anong itatawag ko sa 'yo?"

"Pangalan ko."

"Bakit? Hindi mo ba pangalan iyon?"

Natigilan siya at napa-isip. "Oo nga 'no."

"Tara, lunch na tayo," pag-aya ni Willie.

"Sa bahay kami nina Pei magla-lunch," sabi ni Zuie.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now