Kabanata 47

6 2 0
                                    

"Bakit walang tissue?"

Pumalatak ako bago ipunas sa suot kong pants ang basa kong kamay. Lumabas ako ng CR.

Sakto namang papasok ang kakilala kong badminton player. Nagngitian lang kami bago lagpasan ang isa't isa.

Naglakad ako papunta sa canteen para maglunch. Naroon na sina Zuie, at baka sina Kyell din, kaya nakakahiya naman kung paghintayin ko pa.

Kumunot ang noo ko nang mapansin si Mijares na nagsisintas sa gilid. Madadaanan ko siya kaya huminto ako sa tapat niya.

"Hoy."

"Jaffy."

Napatingin ako kay Mari na nasa gilid ko na pala. Mukhang sabay kaming lumapit kay Mijares at sabay din kaming nagsalita.

Tumingala si Mijares, si Mari ang una niyang nakita. Nang makita niya ko ay agad siyang tumayo.

"Ahm..."

Nagkatinginan kami ni Mari. Bakit sabay na naman kami?

Umiwas din agad kami ng tingin sa isa't isa. Ang awkward nito.

"Bakit?" tanong ni Mijares. Hindi ko alam kung sinong tinatanong niya. "Master, bakit?"

Tumikhim ako. Bahagya kong tinignan si Mari, nakatingin siya kay Mijares. "Ano... magla-lunch ka na ba?"

Ngumiti siya at tumango. "Sabay na tayong pumunta sa canteen. Tara na."

Nagulat ako nang maglalakad na dapat siya. Sa gitna pa namin siya ni Mari dadaan.

Sasawayin ko sana pero hinawakan na siya ni Mari sa braso.

"Jaffy..."

He sighed. Marahan niyang tinanggal ang kamay ni Mari sa braso niya.

"Ano na naman?"

Nararamdaman kong pinipigilan niya ang inis.

Imbes na sagutin si Mijares ay bumaling si Mari sa 'kin.

"Tanungin natin si Pei ngayon na." Kumunot ang noo ko. "Do you like Jaffy?"

Nagulat ako sa tanong niya, at the same time, napaisip. Pero... wala pang sagot eh.

May gusto na ba ko kay Mijares?

"Bakit mo siya tinatanong ng ganyan?!" Ilang beses huminga ng malalim si Mijares. "Kinikilala pa niya ko kaya huwag mong itanong iyan."

Kinagat ni Mari ang pang-ibabang labi. "Bakit ba handa kang sumugal sa kanya kahit na alam mong malaki ang chance mong matalo?"

Napa-iwas ako ng tingin, actually, hindi ko alam kung saan ako titingin. Ano ba ito? Dapat na ba kong umalis?

Tumingin sa 'kin si Mijares habang ako ay napayuko nalang. Hindi ko siya kayang tignan pabalik eh.

"Kasi gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. At kahit matalo ako, gusto ko pa rin siya."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Ang lakas talaga ng tama ni Mijares! Paano niya nasabi iyan sa harap ng ibang tao?

Nakakahiya.

"Please, Mari, tama na. Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan kung gugustuhin mo." Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko tapos ay hinatak ako paalis.

Hindi ko magawang iangat ang ulo ko dahil nakakahiya kay Mari.

"Hoy... bitawan mo na ko..." Pinalo-palo ko ang braso niya.

Tumingin lang siya sa 'kin at pinigilan ang pagngiti. Hindi niya ko binitawan hanggang makarating kami sa canteen.

"Ano iyan? Bakit magkahawak kayo ng kamay?" taas-kilay na tanong ni Gale nang makalapit kami sa kanila.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now