Kabanata 18

9 2 0
                                    

"Cheers!"

Dinikit namin ang milktea namin sa isa't isa. Saglit lang iyon tapos ay binaba na namin.

"Ang galing n'yo, guys! Congrats sa inyo," nakangiting sabi ni Zuie kina Mijares.

Tanghaling tapat pero nandito kami sa Grandmaster Milktea Shop. Ito iyong shop na kung saan nagpa-parttime job si Mijares.

Wala siyang trabaho ngayon dito kaya kasama naming tumambay.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Kyell.

Hinatak nila kaming lima rito para ilibre. Pinagalitan pa nga nila kami dahil umalis kami kaagad kahapon.

"Infairness, nag-enjoy ako," tumatangong sabi ni Gale. "Pero sana isa nalang sa kambal iyong naglaro kaysa kay Willie."

"Sana hindi ka nalang namin binigyan ng ticket," sagot ni Willie.

Nagmake face lang si Gale. Si Willie naman ay ang sama ng tingin sa kanya.

"Sige, kain na. May training pa tayo," saway ni Mijares na katabi ko.

Nag-order sila ng maraming chicken wings na iba't iba ang flavor. May rice rin na hindi naman mawawala sa tanghalian ng pinoy.

"Sana sa susunod naming laban, maumpisahan n'yo na 'yong laro," sabi ni Lai.

"Sana nga. Kayo rin. Kapag may laban kami, punta rin kayo," pag-aya ni Zuie.

"Sure," sagot ng lima.

"Master, oh." Naglapag si Mijares ng tatlong chicken wings sa plato ko. Wala na iyong buto at ready to eat na.

Napatingin ako sa mga kaibigan niya na parang biglang inubo ng sabay-sabay.

"Hindi porket nag-enjoy ako sa laro n'yo pwede ka na dumiskarte," masungit na sabi ni Gale.

Ngumuso si Mijares. "Bawal ba? Hindi ba 'to ginagawa ni Zuie?"

"Hindi," sabay na sagot nila ni Zuie.

"Ahh... hindi ba? Eh bakit, masama ba?"

"Eh 'di, thanks," sabi ko para matigil na. "Huwag mo na kong lagyan, kumain ka na."

"Ang epal, badi, 'no?" mahinang sabi ni Willie pero narinig pa rin namin.

"Ano 'yon?" tanong ni Gale.

"Wala."

Napa-iling nalang ako at nagsimulang kumain. Kumain na rin naman sila.

"Nga pala, hindi naman siguro kayo nagsagutan nina Duchess sa arena kahapon?" tanong ni Kyell.

Umiling kaming tatlo.

"Pero inirapan nila kami," pagkwento ni Gale.

"Nakabawi ba kayo?" tanong ni Las.

"Hindi."

Napa-ungol sila sa pagkadismaya.

Nagpatuloy kami sa pagkwentuhan habang kumakain. Puro sina Mijares ang laging nagsisimula ng kwento. Ewan ko ba kung bakit ang daldal ng limang 'to.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now