Kabanata 44

6 2 0
                                    

"Master! Buti nakapunta kayo."

I sighed. "Nakiusap pa kami kay Coach eh."

"Kinausap ko na siya last week ah," naka-pout niyang sabi.

"Dito lang iyong kotse ko, badi?" tanong ni Zuie.

"Oo. Wala namang gagalaw niyan, don't worry."

"Tara na, gutom na ko eh," reklamo ni Gale.

"Sige po, pasok na po kayo."

Inirapan ni Gale ang sarkasmo ni Mijares. Sinundan namin siya papasok ng gate.

"Zuie badi!" Kumaway si Willie. "Hi, Master Pei!"

Nginitian ko lang siya. Kasama na niya sa table sina Kyell.

"Regalo ko nga pala." Inabot ni Zuie ang isang paperbag kay Mijares. "Happy birthday."

"Ito sa 'kin. Happy birthday, pakboy." Padabog na inabot ni Gale ang hawak niyang paperbag.

"Salamat sa inyo," nakangiti nitong sabi. "Sige, puntahan n'yo na sila."

Tumango ang dalawa tapos ay nilapitan sina Willie.

"Happy birthday, Mijares," nakangiti kong sabi sabay abot ng hawak ko.

Agad niyang kinuha iyon at kinuha ang laman. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Hoy! Excited ka ba?"

"Oo," sagot niya. "Wow, ang cute! Thank you, Master!"

Pinisil-pisil niya ang binili kong unan. Hindi ko alam kung anong tawag sa unan iyan. Bilog siya, iyong disenyo niya ay parang bola ng sepak sa paningin ko.

"Uy, may card—"

"Mamaya mo na iyan basahin!" pagpigil ko sa kanya.

Natatawa siyang tumango. Simple lang naman ang mensahe ko ro'n pero kung babasahin niya sa harap ko ay nakakahiya.

"Tara na nga."

Lalapit na rin sana ako kina Willie pero hinawakan niya ko sa braso.

"Mamaya na, pasok muna tayo sa loob." He jerked their house.

"Ha? Bakit?"

He just smiled tapos ay inakay ako papalapit sa pinto nila.

Naghubad siya ng tsinelas at kahit nalilito ay hinubad ko rin ang sapatos ko.

"Teka, bakit nga?"

"Papakilala kita sa parents ko." Luminga-linga siya. "Nanang—hmm!"

Bigla kong tinakpan ang bibig niya. Mukhang hindi naman siya narinig ng Nanang niya dahil sa lakas ng tugtog sa labas.

"Sira ka ba?! Bakit mo ko binibigla?"

Nanatiling nakatakip ang kamay ko sa bibig niya kaya nagpeace sign lang siya sa 'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko tanggalin ang kamay ko.

"Sorry, Master. Ayaw mo ba? Hindi naman kita pipilitin."

Napa-iwas ako ng tingin. "Eh kasi naman..."

"Mabait naman sina Nanang at Tatang eh. Nagtatampo na kasi sa 'kin si Nanang dahil magdadalawang buwan na kitang nililigawan pero hindi pa rin kita napapakilala sa kanila."

"Ayos lang naman pero..." Pinalo ko siya sa braso kaya napa-daing siya. "Sana sinabihan mo muna ako."

Nakanguso siyang umangkla sa braso ko. "Sorry na, Master..."

Biglang may sunod-sunod na tumikhim na sabay naming nilingon. Agad akong dumistansya kay Mijares nang makita ko kung sino sila.

"M-magandang hapon po..." nahihiya kong sabi.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now