Kabanata 45

4 2 0
                                    

"Pwede po natin siyang kasuhan under Article 9262, the anti-violence against women and their children."

"Kapag po kinasuhan namin siya, kakailanganin po kami sa mga trial?" tanong ni Mamay sa abogadong pinadala ni Zuie.

Pambawi niya raw ito dahil wala siya sa tabi ko no'ng gabing iyon. Hindi na ko tumanggi para rin sa ikagagaan ng loob niya.

"Yes po. Kakalaingan po ang mga statements n'yo."

"Malaki naman ba ang chance natin manalo, Attorney?" tanong ni Tita.

Naka-upo silang tatlo habang nakatayo naman kami ni Pochi.

"Malaki po ang chance na manalo tayo, don't worry."

Tumingin sa amin si Mamay. "Ano mga anak? Itutuloy ba natin ang kaso?"

"Syempre naman! Ano ka ba, Laarni. Dapat lang sa asawa mo na makulong. Dapat nga pati iyong nanay at kapatid niya." Pumalatak si Tita. "About that, Attorney. Anong pwede naming gawin sa nanay at kapatid niya? Gusto ko ring sampahan ng kaso eh."

"Ate Janice naman..."

Hindi pinansin ni Tita si Mamay.

"Sinaktan din po ba sila physically?"

Umiling si Tita. "Hindi po. Mentally abused. Sinasabihan nila ng masasakit na salita ang mag-ina. Kinukunsinte rin nila si Anton."

Tumatango-tango si Attorney. "I'll look about that."

"Sige ho. Gusto kong makita ang tatlong iyon na nakakulong."

I sighed. Ilang linggo na ang nakalipas, ang dami nang nangyari pero hindi pa rin ako makapagdesisyon ng tama.

May part sa 'kin na nagsasabing tama lang na ipakulong si Papa... pero mayro'n ding hindi.

Siguro konsensya ko iyon. Pinapaalala niyang tatay ko pa rin ang ipapakulong namin.

Tinanong ko sina Gale at Zuie kung tama ba na ipakulong si Papa pero parehas lang ang sagot nila. Gawin ko raw ang tingin ko na magbebenefit sa amin at kay Papa.

May naiisip na kong ibang paraan pero pinupulido ko pa. Gusto ko na matapos na ang problemang ito once and for all.

"Maraming salamat po, Attorney, ha? Sana po ay manalo tayo," sabi ni Tita.

Tumayo na silang tatlo. Nagkamayan sila sa isa't isa.

"Makaka-asa ka po."

"Sa uulitin po. Ingat po kayo," sabi ni Mamay.

"Ako na po maghahatid sa kanya sa labas, 'May."

Napatingin kami kay Pochi. Bakit nagpiprisanta 'to?

"Ha? Ahh... oh sige."

Hinayaan nga namin na ihatid siya ni Pochi palabas. Nang marinig namin ang pagbukas ng gate ay tinawag ako ni Tita.

"Sundan mo si Pochi sa labas, baka tumakas iyon. Kakain na tayo."

Tumango ako at lumabas. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa sumasakay ng kotse si Attorney dahil magkausap pa sila ni Pochi.

Nasa labas lang sila ng gate at hindi naman ako napansin. Lumapit ako ng bahagya pero gumilid ako para hindi nila makita.

Mukha kasing seryoso ang pinaguusapan nila kaya gusto kong pakinggan.

"Matagal-tagal din po pala siya makukulong kung sakali," tumatangong sabi ni Pochi. "May isa pa po akong gustong itanong."

"Sure, ano iyon?"

"Pwede ko po bang mapalitan ang apelyido ko?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Pochi.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now