Kabanata 10

12 2 0
                                    

"Kalangay arnis team!"

Halos hindi ko na marinig ang cheer ng kabilang team dahil sa lakas ng boses ng mga ka-team ko.

Nasa isang mall kami para sa laban ni Zuie. Syempre, nandito ang buong team para suportahan sila.

Nagkakabit pa ng gear ang players kaya todo cheer pa ang bawat team. Mamaya kasi sa laban ay bawal na ang maingay.

"Mananalo naman siya siguro 'no? Mas matangkad siya ro'n sa kalaban niya eh," sabi ni Gale sa tainga ko.

Tinapat ko ang bibig sa tainga niya. "Magtiwala ka lang kay Zuie."

Tumango nalang siya bilang sagot pero halatang bothered pa rin siya. Ako rin naman kinakabahan sa maaaring resulta pero kahit ano pa 'yon, nandito naman kami ni Gale para damayan siya.

Nilabas ko na ang phone ni Zuie at nagready na sa pagvideo. Lagi naming vinivideohan ang mga laban niya dahil ipapanood daw niya sa buong pamilya niya.

"Kalangay arnis team!"

Huling chant ng team namin dahil pinatahimik na. Pumwesto na rin ang mga players sa gitna.

Nakaharap ang players sa amin at kita kong malikot ang singkit na mata ni Zuie. Bahagya kong tinaas ang kanang kamay ko para makita niya kami.

Hindi kasi kami nakapwesto sa unahan ni Gale.

Napatingin sa amin si Zuie. Bahagya siyang tumango na ngitian ko naman. Sabay namin siyang binigyan ng thumbs up ni Gale.

Nang magsisimula na ang game ay napahawak-kamay kami ni Gale. Ganito lagi kami kapag may laban si Zuie.

Si Zuie ang lalaki sa amin pero parang kami ni Gale ang guardian niya. Para namin siyang nakababatang kapatid.

Tinaas na ng referee ang kamay niya kaya naman start na ng game. Unang pumalo si Zuie. Nakatatlong palo siguro siya nang patigilin sila.

Nang magresume ay pinaulanan siya ng palo ng kalaban. Napakagat ako ng ibabang labi nang makitang hindi makahanap ng tyempo para pumalo si Zuie.

Pinatigil ulit sila at gano'n ulit ang nangyari nang magresume. Nang patigilin ulit dahil tapos na ang unang bout ay narinig ko ang pagbuga ni Gale ng hangin.

"Sabi ko kasi sa kanya, magtrain siyang mabuti eh!"

"Kaya niya 'yan," pagpapalubag ko sa loob niya. "At saka, huwag kang maingay, nagvi-video ako."

Nagstart na ang second bout. Si Zuie pa rin ang unang pumalo. Nang patigilin sila at nagresume ay nakakaganti na siya ng palo unlike kanina.

Natapos ang bout na tingin ko naman ay tie.

"Ang galing ni Zuie."

Napatingin ako sa gilid ko. "Andyan ka pala, Captain."

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Exposing his two cute dimples.

"Dito muna ko. Kukuha muna ko ng energy para sa laban ko mamaya."

Hindi ko masyadong nagets iyong sinabi niya. Isa pa, ang makahulugan din ng ngiti niya. Instead na magtanong, ngumiti nalang din ako.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now