Kabanata 41

6 2 0
                                    

"Kumusta ang date?"

Kinunutan ko ng noo si Gale. Tinanggal ko ang sapatos ko at tinabi.

Hindi ko pa rin siya sinagot nang hubarin ko ang polo ko tapos ay hinagis iyon sa maruruming damit.

"Hoy, ano nga?!"

Hinarap ko siya. "Ano?"

Nagroll eyes siya. "Anong nangyari? Anong ginawa n'yo?"

"Nanood ng sine, kumain, tapos nag-arcade."

Kumuha ako ng damit pantulog dahil balak kong maghalf bath.

"Gano'n lang? Ang simple ng date n'yo pero dahil si Kuya Diell ang kasama mo, romantic iyon." Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Gale. "Ano pa? Nagkiss kayo?"

Gulat ko siyang nilingon. "Galema!"

She chuckled. Umayos siya ng upo sa kama niya.

"Namula ka! So, nagkiss kayo? Ikaw ha! Dalaga ka na!"

"Tumahimik ka nga!" saway ko nang tumawa na naman siya.

"Sasabihin ko ito kay Zuie," natatawang sabi niya bago nagsimulang magtipa sa cellphone niya.

"Sa noo lang iyon! Para itong tanga..."

Kunot na ang noo ko sa inis. Ang lakas kasi mang-asar nitong si Galema.

"Weeeh? Sa noo lang?"

Inirapan ko siya. "Bahala ka nga..."

Papasok na ko sa CR nang magring ang phone ko. Nang makitang si Zuie ang tumatawag ay sinamaan ko ng tingin si Gale.

"Sinabi mo nga kay Zuie?! Tumatawag siya!"

Humalakhak siya. "Wala pa kong sinasabi."

"Bwiset ka..." inis kong sabi bago sagutin ang tawag.

"Master?"

Nagsalubong ang kilay ko sa bungad na iyon. Hindi kay Zuie ang boses.

"Mijares?"

Napatingin sa 'kin si Gale nang sabihin ko iyon.

"Oo, Master. Nakitawag ako kay Zuie kasi wala kong number mo eh."

"Ahh... okay... anong kailangan mo?"

I heard him smirked. "Ikaw. Labas ka."

"Bakit?"

"Magde-date tayo. Bilis!"

"Ano...?" Bigla akong nataranta. "Teka, saan ba tayo pupunta?"

"Secret! Bilisan mo na. Sayang oras, Master."

"Bakit mo ko minamadali? Hays! Iyong polo ko nasa marurumihan na eh."

"Huwag mong suotin iyong sinuot mo sa date n'yo ni Gadiell ah!"

Binalik ko ang pantulog ko sa kabinet at naghanap ng maisusuot.

"At bakit bawal?"

"Eh basta! Marami ka pa naman sigurong damit diyan."

"Sige. Baba ko na ito."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag. Huminto ang kamay ko sa green na hoddie kaya iyon na ang kinuha ko.

Isang beses ko palang itong nasusuot kaya mukhang bago pa.

"Saan ka pupunta?"

Saglit kong nilingon si Gale habang nagbibihis ako. "Lalabas daw kami ni Mijares."

"Pumayag ka?"

Ilulusot ko na ang ulo ko sa hoodie nang matigilan ako.

"Oo nga 'no?" Saglit akong napa-isip bago ko tinuloy ang pagsuot ng hoodie. "Hayaan mo na. Baka habangbuhay niya kong konsensyahin kapag hindi ako pumayag. At saka, kay Captain nga pumayag ako eh."

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now