Kabanata 37

7 2 0
                                    

"Kalaw sepak takraw team! Kalaw sepak takraw team!"

Halos mabingi ako sa lakas ng pagcheer ng mga ka-schoolmate namin. Kahit sina Gale at Zuie ay nakiki-cheer.

Ako ay tumigil na dahil ang sakit na ng lalamunan ko. Winawagaywag ko nalang ang baloon na hawak ko na pinamigay ni Duchess.

Nasa harapan ko siya naka-upo, katabi niya ang kaibigan niyang si Yvonne.

Sabi niya, madalas na raw kaming magkakasama dahil sasama na raw siya tuwing magla-lunch kami or magmemeryenda. Kapag kasama lang naman namin sina Mijares.

"Ang tagal naman! Ang sakit na ng lalamunan ko!" reklamo ni Gale bago uminom ng tubig.

In-invite ulit kami ng lima na manood sa laban nila. Tingin ko nga mahihilig na kong manood eh.

Nagustuhan ko kasi ang unang laban nina Mijares na pinanood ko. Nagresearch nga ko agad tungkol sa sepak para kapag nanunod ulit ako, may ideya na ko sa moves nila.

"Hi, guys!"

Biglang may sumingit na ulo sa pagitan namin ni Zuie kaya hindi ko napigilang magulat. Nasagi ko pa tuloy ang katabi ko, agad naman akong humingi ng pasensya.

Si Vanya ang may-ari ng ulo. Nakangiti siya sa amin na para bang close na close kami. Naka-upo siya sa likuran namin, katabi niya si Mari.

"Ginulat mo sila, Vanya!" Pinalo ni Mari ang likod ng kaibigan.

"Sorry..." Nagpeace sign sa amin si Vanya.

"Ahh... hello..." Bahagya akong tumango.

"Kanina pa kayo? Kararating lang namin eh, buti naka-abot kami," pagkwento ni Vanya.

Hindi ko alam ang isasagot kaya ngumiti nalang ako at tumango.

"Kailan ka pa namin naging close?"

Walang preno talaga ang bibig nito ni Gale eh.

Dahil nasa gitna namin si Zuie ay iyong lobo nalang ang pinambatok ko sa kanya.

"Ahm... pwede naman siguro tayong maging friends?" nakangiting tanong ni Vanya.

Nakakapanibago lang. Noong unang kita ko sa kanya, ang taray niya eh. Ang prangka at saka matapang.

Ang weird na makita siyang nakangiti sa amin ngayon at nakikipagfriends.

Well, mukha naman siyang mabait. Mukha ring sincere ang smile niya. Baka gusto lang talagang makipagfriends.

"Sure..." sagot ko makalipas ang ilang segundo.

"Thanks, Pei."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Pagkatapos mo kaming sabihan ng kung ano-ano at pinagdabugan mo pa kami ng pinto, tapos makikipagfriends ka?" prangkang sabi ni Gale.

Hilaw na tumawa si Vanya. "Kalimutan na natin iyon."

"Eh paano kung ayoko?"

Sumimangot si Vanya. "Hoy, sinungaling ka nga eh. Ang sabi mo, boyfriend mo siya, hindi naman pala! Ang sabi mo pa Domeng ang name niya, hindi naman pala. Ang layo ng 'Zuie' sa 'Domeng' ah."

"Aba't—inalam mo talaga ah!"

"Tumahimik nga kayo, mag-i-start na ang game," saway sa amin ni Duchess.

Nakita ko pang tinaasan niya ng kilay sina Mari at Vanya bago siya umayos ng upo.

"Hi, Zuie..." mahina at nahihiyang sabi ni Vanya.

"H-hello..."

Tipid lang nangumiti si Zuie tapos ay umayos na ng upo. Umangkla siya sa braso ko. Nararamdaman kong hindi siya komportable kay Vanya.

Gawa sa RattanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang