Kabanata 3

19 3 0
                                    

"Pei, may tumatawag!"

Tumigil ako sa pagtu-toothbrush nang marinig ko ang boses ni Gale. Sumilip siya sa banyo at inabot sa 'kin ang phone ni Mijares.

"Sino 'yan?" tanong ko sabay abot ng phone. My-my ang name ng caller.

"Malapit na malowbat 'yan, Pei."

Tumango lang ako sa paalala niya bago sagutin ang tawag. Mabilis akong nagmumog para makapagsalita ako ng maayos.

"Hello? Hello, Master?"

It's Mijares.

Kunot-noong binalik ko ang toothbrush ko sa lagayan. "Sinong master?"

"Nagising ba kita?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Hindi. Patulog palang ako," sagot ko at pinindot ang loud speaker. Nilapag ko ang phone sa gilid ng lababo.

"Ano?! Matutulog ka palang, 11 na kaya."

"Bakit ka ba tumawag?!" tanong ko bago nagsimulang maghilamos.

"Ahm... gusto ko kasing magsorry. Hindi kita nasabihan agad na hindi ako makakapunta," mahinahong sabi niya.

Hindi muna ako sumagot. Naghilamos muna ako at nagpunas ng mukha.

Dinampot ko ang phone tapos ay tinanggal ko sa pagkaloud speaker.

"Hello? Nandyan ka pa?" tanong niya pagkatapat ko ang phone sa tainga ko.

"Oo! Oh, ano nang balak mo? Ibabalik mo na ba phone ko sa 'kin bukas?"

"Bukas...?" may pag-aalinlangan niyang sabi. "Ano kasi..."

Hindi niya matapos ang gustong sabihin. Naupo ako sa kama ko habang hinihintay siyang magsalita.

"Ano na?!"

"Teka lang, huwag ka magalit. Chill ka lang, Master."

"Huwag mo nga kong tawaging master!"

Napatingin si Gale sa 'kin dahil sa pagsigaw ko. Tinawanan niya lang ako bago siya bumalik sa pagse-cellphone.

Bakit ba kasi ako tinatawag nitong master? Hindi naman kami close. At saka, kadiri ang tawaging master.

"Okay, sorry," parang natatawa pa si Mijares nang sabihin iyon. "Sige, try ko bukas makipagmeet sa 'yo. Sa canteen nalang ulit."

"Vacant ko ng lunch, 12 to 1. Kung hindi ka ulit makakapunta, sabihin mo ng maaga. O kaya, ipaabot mo nalang kahit kanino."

Pumalatak siya. "Hindi ako pwede no'n, may klase ako. Hapon nalang? Mga 5?"

"6. Six ang uwian ko."

Nauubusan na ko ng pasensya sa kanya sa totoo lang. Parang nakikipaggagugahan kasi sa 'kin eh.

"Okay, 6," pagpayag niya. "Actually, may gusto akong sabihin."

"Ano?"

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now