Kabanata 59

5 2 0
                                    

"Limang pasok ng bola. Go!"

Hinagis sa akin ni Coach Tom ang mga bola. Lahat iyon ay naipasok ko sa net.

Easy lang iyon.

Tumango-tango si Coach. "Sige. See you sa pasukan."

Ngumisi ako tapos ay nagpaalam na. Sabay kaming lumabas ni Kyell sa clubroom.

"Tara, nood tayo ng tryout sa iba," pag-aya niya.

"Sige, nood tayo sa basketball."

"Saan ba banda iyon?"

Luminga-linga kami sa paligid hanggang sa itong si Kyell ay napagdesisyunan nalang na magtanong.

"Kuya, saan iyong basketball court?" tanong niya sa isang lalaking nakatayo sa labas ng isang clubroom.

"Nakikita mo iyong statue ni San Lorenzo Ruiz?"

"Oo."

"Ang ganda 'no? Ang kintab. Kakalinis lang niyan kahapon eh."

Napangiwi kami ni Kyell.

"Seryoso ka pa?" sarkastiko kong tanong.

"Gusto ko lang naman i-share," nakangiti niyang sabi. "Anyways, iyong basketball court ay banda ro'n. Nakikita n'yo ba iyong puno na may bench?"

"Oo."

"Eh iyong green na pinto na malapit do'n, kita n'yo?"

"Iyon na ba iyon?" tanong ko.

"Hindi. Doon banda iyong court. Ayon oh, kita naman." Tinuro niya iyong nasa kaliwang side namin samantalang kanina ay sa right side ang tinuturo niya.

"Niloloko mo ba kami?" Hinawakan ko sa braso si Kyell na lalapit dapat sa lalaki. "Huwag mo kong pigilan, Jaffy, bibigyan ko ng knee kick iyan."

Tatawa-tawa naman ang lalaki pero napatigil nang may bumatok sa kanya.

"Nangti-trip ka na naman diyan, Jason," sabi ng lalaki na halos katangkaran ko lang. Nilingon niya kami nang may bahagyang ngiti sa suplado niyang mukha. "Sorry about that. Anyways, interested ba kayong magtry out sa team namin? I am the so-called team captain."

Umiling ako. "Hindi. Sepak kami."

"Okay," sabi nito bago pumasok sa loob.

"Gusto n'yo manood? Pasok kayo. Walang entrance fee," sabi ni Jason.

"Boring," sagot namin ni Kyell.

"Mas boring naman sepak!" Tinalikuran niya na kami at pumasok na rin sa loob.

Nagkatinginan kami ni Kyell. Imbes na dumiretso sa basketball court ay pumasok kami sa arnis clubroom.

Wala naman kaming alam ni Kyell sa arnis, na-curious lang kami.

Hindi naman gano'n karami ang tao kaya kita namin ang mga players na nagpapaluan ng arnis.

"Ang sakit nyan eh. Naalala mo no'ng magka-sparring tayo no'ng grade 7? Tinamaan mo iyong daliri ko, halos maiyak ako sa sakit."

Natatawang inakbayan ko siya. "Ang bagal mo kasi umilag eh."

"Next... Altamirano. Summer, sparring kayo," sabi ng tingin ko ay Coach ng team na 'to dahil iyong varsity jacket na suot niya ay may nakalagay na 'Coach' sa likod.

"Bakit po ako?" tanong ng isang babaeng maputi.

Iyong magtatry out—na tinawag na Altamirano— ay pumwesto na sa gitna. Morena iyong babae. Katamtaman lang ang katawan. Nakatalikod siya kaya hindi ko alam ang itsura.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now