Kabanata 43

4 2 0
                                    

"Captain, gusto ka raw niya maka-usap."

Napalingon ako kay Captain. Napangiwi ako nang makita kung sino ang kasama niya.

"Anong kailangan mo? Magbihis ka na," bored kong sabi.

Lumapit siya sa 'kin at sabay na pinalo ang mga balikat ko. Narinig kong napasinghap si Coach.

"Anong ginagawa mo, Ms. Mendoza?!" gulat na tanong nito na hindi pinansin.

Pinagpatuloy ni Mendoza ang pagpalo sa kamay ko. Mula balikat ay pababa iyon hanggang sa mga palad ko.

"Itaas mo iyong kamay mo," utos niya.

Naparolled eyes nalang ako pero sinunod ko pa rin siya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko, inikot-ikot ko pa.

"Happy?" bored kong tanong.

Humalukipkip siya. "Oo. Mabuti naman na maayos ang kamay mo ngayon. Baka may nararamdaman kang iba, sabihin mo na agad."

"Wala akong ibang nararamdaman kung 'di excitement dahil muli tayong maghaharap."

"At ito na ang huli."

I sighed. "Hindi ako pumayag, Mendoza."

"Eh 'di magback out ka na."

Pumalatak ako. Imbes na sagutin siya ay ginaya ko ang ginawa niya sa 'kin. Pinalo ko rin ang balikat niya hanggang palad.

"Taas mo rin iyong kamay mo."

Sinunod niya ang inutos ko. "I am perfectly fine, Altamirano."

"Good to know. Magbihis ka na, next na tayo."

Inirapan niya ko bago siya walang paalam na umalis. Bumalik na ko sa pagbibihis ng gears habang si Coach, Sir David, at Captain ay mga tulala pa sa nangyari.

"Bakit... bakit kayo nagpaluan? Pei!"

Nginisian ko si Coach. "Hindi po malakas iyon, Coach. Gusto lang po namin makasigurado na wala pong injured ang isa sa amin para maayos po ang kalabasan ng laro."

"Ahh... pero huwag naman kayong magpaluan ng gano'n. Baka mamaya, pinupuruhan ka na pala niya."

"Hindi niya po gagawin iyon..."

Pagpasok ko sa arena ay nagsigawan na agad ang mga ka-team ko.

"Kalangay arnis team! Ace! Kalangay arnis team! Ace!"

Pagharap ko sa kanila ay si Mijares agad ang una kong nakita. Tingin ko ay sinadya niyang sa gitna pumwesto.

Ngumiti siya sa 'kin at tinanguan ako. Gano'n din ang ginawa ko.

Nginitian ko ang mga kaibigan niya na may hawak pang banner na may nakasulat na, 'Laban, Master Pei!'. Katulad no'ng kay Zuie, mukhang nakulangan ulit sila ng tinta. Iba na ang kulay pagdating sa 'ter Pei!'.

Nginitian ko rin si Gale na hawak ang kamay ni Jodi, at si Zuie na vinivideohan ako.

Nagbigay pugay kami sa kanila, sa judges, at sa referee. Nagbigay pugay kami ni Mendoza sa isa't isa.

Pagtunghay namin ay nagkatinginan kami. Kita ko ang tapang sa mga mata niya, alam kong gano'n din ang nakikita niya sa akin.

"Laban!"

Walang kumilos sa amin ni Mendoza, nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Bahagya siyang tumango bago sumugod sa akin.

Nasalag ko ang dapat na pagpalo niya sa ulo ko. Umatake siya ulit at pinuntirya ang braso ko. Nasalag ko ulit iyon.

Ako naman ang umatake. Mabilis ko siyang pinalo sa paa tapos ay sa braso. Parehas niyang hindi maayos na nasalag iyon.

Pinahinto kami ng referee. Napatingin ako sa kamay ni Mendoza na mahigpit ang pagkakahawak sa foam na arnis.

Gawa sa RattanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon