Kabanata 25

5 2 0
                                    

"Thanks sa gift, Pei!"

Tumango lang ako bilang tugon kay Kuya Jason. Nagtawanan kami nang itapat niya sa mukha ni Captain ang regalo kong dalawang hoodie. Para bang pinapa-inggit niya.

"Oh, sino na next?" tanong ni Zuie.

Nag-e-exchange gifts na kami ngayon. After nito, uwian na.

Naka-uwi na rin iyong mga pinsan ni Zuie. Umuwi sila nang mapagod na sa pakikipaglaro sa amin.

Nakasundo rin ni Mijares si Johaan. Gano'n naman ang bata eh. Kapag sinakyan mo ang trip, magugustuhan ka na.

"Si Diell na! Nabigay ko na iyong sa akin eh," sabi ni Kuya Jason.

Before pa magsimula ang Christmas vacation ay nagbunutan na kami at si Kuya Jason nga ang nabunot ko. Wala akong maisip na ireregalo sa kanya kaya si Zuie ang pinabili ko.

Mukhang nagustuhan naman niya, buti nalang.

Nilabas ni Captain ang isang box na may ribbon. Tumayo siya tapos ay lumapit sa 'kin. Nagsigawan sila nang iabot niya sa 'kin ang regalong hawak niya.

"Sana magustuhan mo."

"Ahm... thank you." Kinuha ko sa kamay niya ang regalo.

Medyo nasagi ko pa nga ang daliri niya pero ngumiti lang siya. Bumalik din siya agad sa pwesto niya.

Sinimulan ko nang buksan ang regalo. Hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang pang-aasar ng ilan.

"Ano iyon? May binubulong ka, pakboy?"

Napatingin ako kay Gale. Kausap niya si Mijares na katabi niya.

"Sabi ni Jaf ang pogi mo raw," natatawang sabi ni Willie.

Binato naman ni Gale ng giftwrap si Willie sa mukha. Hindi ko na sila pinansin dahil palagi naman silang nag-aaway.

Napatitig ako sa kahon nang matanggal ko na ang kalahati ng giftwrap. Naisip ko na baka hindi naman siguro iyong nasa picture ang laman.

Binuksan ko ang kahon at nanlaki ang mga mata ko. Kita ko rin ang gulat na mukha sa repleksyon ko.

"Shet! Cellphone iyan?!" gulat na tanong ni Angelo na 3rd year na.

Many gasped. Kahit si Gale ay natulala sa hawak ko.

Latest cellphone ito ng Samsung. Alam ko dahil nakita ko ito sa mall no'ng nakaraan.

"Ow! You're the man, Diell!" Tumayo si Kuya Jason tapos ay pumalakpak. Nakigaya naman ang iba.

Tumingin ako kay Captain na umiinom ng tubig. Kitang-kita ang pagkapula ng kanyang tainga.

"Grabe... ang mahal siguro nito..." nahihiya kong sabi na nagpatahimik sa lahat.

Napatingin sa 'kin si Captain. "Hindi mo... nagustuhan?"

Ngumiti ako. "Nagustuhan ko naman. Salamat, Captain."

He smiled too. Nakita ko pa na parang nagspark ang mga mata niya.

Reflection siguro ng ilaw.

Bumalik sa pang-aasar ang ilan na syempre, sa pangunguna ni Kuya Jason.

Nagpatuloy ang bigayan ng regalo. Si Ate Summer ang nakabunot kay Mijares. Kinikilig pa siya nang i-abot niya ang G-shock watch na regalo niya. Simpleng 'thanks' lang ang sinabi sa kanya ni Mijares.

"Paki-abot." Ipinasa ni Mijares ang reglo niya kay Kyell.

Natatawang pinasa iyon ni Kyell kay Angelo. "Kay Diell iyan. Pasa-pasa n'yo hanggang makarating sa kanya."

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now