Kabanata 31

4 2 0
                                    

"Coach!"

Nameywang ako habang hinahabol ang hininga ko. Si Coach, Sir David, at Captain ay nagulat sa pagdating ko.

"Pei! Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Coach.

Inabutan ako ng tubig ni Captain na agad ko namang ininom. "Salamat, Captain."

Tumango lang siya pero kita ko ang pag-aalala niya sa 'kin.

"Mamaya na po ko magkukwento, Coach. Next na po ko, 'di ba?"

Si Sir David ang sumagot. "Oo, magready ka na."

"Sige po. Magpapalit na po ko ng damit."

Dali-dali akong nagpalit ng damit. Mabuti na nga lang ay nakaabot pa ko.

Nasabi ko na naman kina Coach na male-late ako pero hindi ko sinabi ang dahilan.

Alas dos na nang ihatid ako ni Mijares sa bahay. Napatagal ang kwentuhan namin sa convenience store.

Nakatulog naman ako pero dalawang oras lang. Naghanap pa kami ni Tita ng mabibilhan ng bagong pinto.

Na-traffic pa ko sa byahe habang papunta rito.

Pagkatapos kong magbihis at magsuot ng gear ay naghintay lang kami ng ilang minuto bago ako tinawag para sa susunod na lalaban.

Nakangising mukha ni Chasity Mendoza ang sumalubong sa 'kin pagtungtong ko sa gitna. Mukhang confident talaga siya na mananalo siya ngayong araw.

Ha! Tignan natin.

"Laban, Peitha Altamirano! Laban, Peitha Altamirano! Laban, laban, laban!"

Nginitian at bahagya kong kinawayan ang team ko. Siguradong nagtataka sila kung bakit hindi nila ako kasabay sa pagpunta rito.

I let out a loud sigh nang sumenyas na ang referee na magbigay pugay na kami.

Nagbigay pugay kami ni Mendoza sa isa't isa at sa pagtunghay namin ay sabay kaming ngumisi.

Tama siya nang sabihin niya no'ng nakaraan na malapit na kaming magtapat pero mali siya nang sabihin niyang mananalo siya. Dahil hindi ko iyon hahayaang mangyari.

Pag-alis ng kamay ng referee sa gitna namin ni Mendoza ay pumosisyon na kami. Wala agad umatake sa isa sa amin. Nagpapakiramdaman pa kami.

Tumingin ako sa braso niya at humanda ng atake. Nakita niya ang pagtingin ko sa braso niya kaya akala niya iyon ang tatamaan ko pero mali siya, dahil sa paa ko siya tinamaan.

Gumanti siya ng palo na nagawa kong harangan. Bago pa siya muling umatake ay napalo ko na ang braso niya.

Pinatigil kami ng referee kaya bumalik kami sa dating pwesto. Todo cheer na ang mga ka-team ko kaya lihim akong napangiti.

Kaso lang ay nangunot ang noo ko nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng balikat ko. Hindi ko na pinansin dahil mag-i-start na ulit.

This time ay siya ang unang umatake. Nasalag ko iyong una pero hindi iyong pangalawa, tinamaan tuloy ako sa braso.

Nagduelo kami hanggang sa makahanap ako ng tyempo na mapalo siya. Inangat ko ng mataas ang kamay ko at handa nang paluin siya pero natigilan ako.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now