Kabanata 5

14 2 0
                                    

"Tubig?"

Nakangiting tinanggap ko ang inaalok si Captain. Umupo siya sa tabi ko habang ako naman ininom ang binigay niyang tubig.

"Salamat dito," sabi ko. "Kung inipon ko siguro 'yong mga binigay mong bottled water mula last year, baka nakagawa na ko ng isang bangka."

"Bakit kasi hindi mo iniipon? Naibenta mo na sana sa junkshop," nakangiting sabi ni Captain.

Umiling ako. "Mas kailangan iyon ng mga nangangalakal."

Lalong lumaki ang ngiti ni Captain bago siya tumango-tango. Salitan kong pinapasa ang bottled water sa dalawang kamay ko habang pinapanood si Zuie na nagte-training.

Puspusan na ang training niya dahil next week na ang laban niya.

Si Gale ang ka-sparring si Zuie. Ako 'yon kanina kaso napagod na ko kaya pumalit sa akin si Gale.

"Pei!"

Napatingin ako kay Jodi na papalapit sa akin.

"Bakit?"

"Oh, hi Kuya! Pa-istorbo lang saglit kay Pei," sabi niya kay Captain.

"Sure."

Tumabi sa akin si Jodi. "Pwede ba kong papasa ng PDF na sinend si Prof Laguna? Hindi ko madownload eh."

"Wait lang," sabi ko bago halungkatin ang bag ko para hanapin ang phone ko. "Buksan mo na Shareit mo."

Pagkalabas ko ng phone ko ay agad kong hinanap ang app pati na rin ay PDF na ishe-share ko. Nang maayos na ay mabilis iyong naipasa sa cellphone ni Jodi.

"Ayan, okay na. Thanks!" sabi ni Jodi. Napatingin siya sa cellphone ko. "Oh, naisipan mo nang bilhan ng case 'yan?"

Napatingin din ako sa phone ko. "May nagbigay lang nito."

Tinalikod ko ang phone ko para makita niya ang design. Nang makita niya ay kumunot ang noo niya kapagkuwan ay ngumiti.

"Ikaw ha!" Sinundot niya ko sa tagiliran. "Sino nagbigay sa 'yo nyan? Si Kuya Diell, no?"

"Ha? Hindi ah."

Napatingin ako kay Captain na nakatingin na sa amin ni Jodi.

"Hindi nga?" pangungulit niya.

"I didn't gave that to her," pagtanggi ni Captain kaya naman nagtaka si Jodi.

"Talaga? Eh sinong nagbigay sa 'yo nyan?" Nanlaki ang mata ni Jodi. "May jowa ka na?!"

Dahil sa lakas ng pagkakasabi niya ang napatingin ay ilang nasa malapit sa amin.

"Sinong may jowa?" tanong ni Zuie na papalapit na sa amin.

Umupo siya sa sahig sa tapat ko tapos ay inabutan ako ng bimpo. Kinuha ko iyon tapos ay pinunasan ang likod niya.

Oo, parang bata 'to si Zuie.

Si Gale naman ay tumabi kay Zuie pero paharap sa amin.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now