Kabanata 29

7 2 0
                                    

"Hindi ko matanggap iyong sinabi mo kanina."

Umiling-iling si Tita habang inaayos ang mga nagulong gamit. Ako naman ay naka-upo sa sofa, nakakuyom ang kamao dahil sa pinaghalong inis at galit na nararamdaman ko para sa tatay ko.

Umalis na sina Pochi pero hindi pa rin ako kumakalma.

Naiinis ako sa sarili ko. Naisip ko na noon na kapag ginawa ulit iyon ni Papa ay gaganti na ko. Hindi na ko papayag na masaktan niya ulit kami ni Mamay.

Pero anong nangyari? Nasaktan niya pa rin si Mamay! Napakawala kong kwenta!

Ni hindi manlang ako nakaganti kahit isang beses!

"Umamin ka nga sa 'kin, Pei." Tumigil si Tita sa ginagawa tapos ay nameywang. "Anong totoo mong motibo no'ng pumayag kang tuturuan kitang mag-arnis? Anong nasa isip mo no'ng mga oras na iyon?"

I sighed. Ramdam ko ang inis ni Tita kahit na hindi siya sumisigaw.

"Maipagtatanggol ko na ang sarili ko... iyon ang nasa isip ko."

"Kanino? Sa Papa mo?"

"Sa lahat." Tumingin ako sa kanya. "Sa lahat po ng pwedeng manakit sa 'kin, kay Mamay, at kay Pochi."

"Pero kahit kailan, hindi ko iyan sinabi sa 'yo no'ng tinuturuan kita. Oo! Pangself-defense ang arnis pero tinuruan kita noon para malibang ka. Para hindi mo na maalala iyong bangungot na dinanas n'yo."

"Nalibang naman po ako, minahal ko po ang arnis pero... hindi ko naman po nakalimutan ang bangungot."

"Hindi naman talaga madaling makalimutan iyon, Pei." She sighed. "Nagkakaintindihan naman pala tayo eh. Ngayon, gusto kong bawiin mo iyong sinabi mo kanina."

Bumalik siya sa pag-aayos. Narinig ko naman ang sinabi niya pero hindi ko sinunod. Yumuko lang ako.

"Pei..." sabi ni Tita nang lumipas ang minuto na hindi ako nagsalita.

Umiling ako. "Masama po ba na makaganti ako sa kanya kahit isang beses lang?"

"Gusto mong... gumanti?" hindi makapaniwalang sabi ni Tita.

"Gusto ko rin pong maranasan niya iyong pinaranas niya sa amin."

Padabog niyang binitawan ang sapatos tapos ay nameywang sa tapat ko.

"Gusto mo talaga? Sige! Dadalhin ko ngayon ang tatay mo rito tapos bugbugin mo gamit ang arnis hanggang sa makuntento ka. Pagkatapos mo, magquit ka na sa team at huwag na huwag ka na ulit hahawak ng arnis."

Napatingin ako sa kanya. "Tita..."

"Bakit? Eh tutal naman kaya ka nag-arnis ay para gumanti sa Papa mo. Oh! Kapag nakaganti ka na, hindi mo na kailangang maging atleta."

Lalong kumuyom ang kamao ko. Hindi ako naiintindihan ni Tita.

"Napakasama ko po bang anak dahil lang sa gaganti ako? Noong ako po iyong mahina, sinasaktan niya ko. Ngayon pong malakas na ko, bawal akong gumanti?"

"Hindi kita kahit kailan tinuruan na gumanti..." umiiling na sabi niya. "Sigurado rin akong hindi iyan tinuro ng mga naging Coach mo."

Nasapo niya ang noo. "Ito iyong kinakatakot ko eh. Na pumasok sa utak mo na malakas ka at wala nang pwedeng umapi sa 'yo."

"Kinukutuban na ko eh. Mula elementary ka, hanggang ngayon! Palagi kang nadadawit sa gulo. Palaging ikaw iyong nagsisimula."

"Tingin mo ba, dahil lang marunong kang mag-arnis ay malakas ka na? Kailan ka pa yumabang ng ganyan?!"

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Matapang kong sinalubong ang masamang tingin ni Tita.

"Sige, mayabang na po ko. Pero hangga't po may lalaking nag-iisip na mahina ang mga babae, hindi po ko magdadalawang isip na bugbugin sila."

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now