Kabanata 6

11 2 0
                                    

"May exam tayo mamaya 'di ba?"

Tumango ako sa hinihingal na tanong ni Zuie. "Oo."

"Awit," sabi ni Gale na nasa gitna namin ni Zuie.

"Kalangay arnis team! Kalangay arnis team! Kalangay arnis team!"

Nakisabay kaming tatlo sa chant ng mga seniors namin na nasa unahan.

Alas sais palang ng umaga pero andito kami ngayon sa field para magjogging. May ilang wala sa members dahil may klase ng umaga pero karamihan ay nandito.

Pinagmasdan ko ang likod ni Captain na nasa harap ko na parang hindi manlang napapagod. Pangsampung lap na namin 'to at may sampo pa bago kami didiretso sa club room para sa drills.

"Kalangay— oh my gad! Si Jaffy 'yon oh!"

Napangiwi ako dahil sa tili ng isang babae sa likod ko. Laging bukambibig ng karamihang babae sa club namin si Mijares.

Nakaka-umay.

"Ang gwapo nilang lahat pero mas gwapo si Kyell!"

"Nakakaganang magjog habang tinitignan sila!"

Bakit ba gwapong-gwapo sila sa mga pakboy na 'yon? Tss!

"Hoy! Manahimik nga kayo! Makisabay kayo sa chant!" saway ni Gale sa kanila.

"Sorry po!" sabi ng mga babae tapos ay sumabay sa chant gamit ang pabebeng boses.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko nga sina Mijares and friends na naglalakad. Base sa suot nila at sa hawak nilang bola ay mukhang may training sila.

Biglang lumingon si Mijares sa gawi ko. Nagkatinginan kami saglit bago siya ngumiti at kumaway. Iyong mga babae tuloy sa likod ko pati na sa harapan ay napahagikhik.

Akala nila sila ang kinawayan.

Hindi ako nagrespond at umiwas lang ng tingin. Kunyari hindi ko siya nakita.

Kaso ang siraulong si Mijares ay lumapit sa field tapos ay kumaway-kaway pa rin. Tumabi sa kanya ang mga kaibigan niya na tatawa-tawang nakikaway na rin.

Ano ba sila nangangampanya?!

"Pei, oh, kinakawayan ka," natatawang sabi ni Zuie na binigyan ko ng tumahimik-ka-riyan look.

"Siya ba kinakawayan? Kala ko tayo," sabi ng babae sa likod namin na mukhang narinig si Zuie.

"Oo, kayo nga! Nagjo-joke lang si Zuie!" sabi ni Gale sa kanila.

Napabuntong-hininga ako nang madadaanan na namin sina Mijares. Hindi na mapakali ang ilang babae sa team namin.

Nang mapadaan na kami ay todo kaway si Mijares na hindi ko pinansin. Sa likod ni Captain ako tumingin.

Saglit akong nilingon si Captain paglagpas namin kina Mijares.

"Close na kayo?!" rinig kong sabi niya.

"Hindi!" sagot ko.

"Go, Master Peitha!" sigaw ni Mijares.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now