Kabanata 30

6 2 0
                                    

"Kami pa po iyong mag-aadjust?"

Humalukipkip si Tita Georgia. "Kayo nalang ang mag-adjust kaysa ipakulong n'yo si Anton."

Taenang mga kamag-anak 'to.

Kahit kailan daw hindi nakasundo ni Mamay ang mga ito eh. Ang pangit daw kasi ng tabas ng dila.

Hindi rin ako close sa kanila no'ng bata pa ko dahil palagi nila kong nilalait tungkol sa kulay ng balat ko.

Anong masama sa balat ko eh pilipino ako?

Palagi rin nila akong inuutustusan no'n kapag wala si Mamay. Iyong sakit at hirap na pinaparanas ni Papa noon, dinadagdagan pa ng pamilya niya.

"Kasalanan mo rin ito, Laarni. Pinilit mong magpakasal kayo ng anak ko kahit tutol ako, tapos ngayon magsisisi ka," nakapameywang na sabi ni Lola.

"At saka, balita namin marunong mag-arnis iyang dalawa mong anak. Bakit pa kayo matatakot kay Anton? Masasalag na naman ng dalawa mong anak iyong gagawin niya." Umirap si Tita Georgia pagkatapos.

Inaawat sila ng Tito at pinsan ko.

"Sports ang arnis! Hindi iyon basta-basta ipapalo kung kani-kanino!" depensa ni Tita.

"Sus! Itong si Pei at iyang kapatid niya, nagmana rin sa tatay nila. Namamalo rin." Pinigilang matawa ni Tita Georgia.

Lola chuckled. "Dapat pa pala kayong magpasalamat kay Anton dahil sa kanya n'yo natutunan ang pagpalo."

"Lola!" saway ng pinsan kong si Hannele pero sinaway din siya ng Mama niya.

Kumuyom ang kamao ko. Nagawa pa talaga nilang magbiro ng ganyan?

Hindi na nga nila kami tinulungan noon, ngayon ay mangingialam pa sila at mang-aalaska.

"Tama na iyan, Ma, Ate." Tumingin sa 'kin si Papa. "Pei, huwag mo na silang pakinggan. Ayos lang na ipakulong n'yo ko kung iyon ang magpapagaan sa loob n'yo."

Nagpapa-awa ba siya?

Hindi ko siya sinagot. Para akong namingi nang magsigawan na sila.

"Tama na!" sigaw ko na nagpatigil sa lahat. Galit na tumingin ako kina Lola. "Bakit po ba kayo nangingialam sa amin? Problema po ito ng pamilya namin."

"Aba't—bakit? Hindi n'yo ba kami pamilya?!" Nakataas na ang kilay ni Lola.

"Bakit din po? Tinuring n'yo po ba kaming pamilya? Kailan po kayo naging pamilya sa amin?" Lola and Tita both sighed in disbelief. "Kami po iyong na-agrabyado rito. Kaya kung may dapat magdesisyon, kami po iyon. Kung tutuusin, hindi naman po kayo kailangan dito. Hindi naman po kayo mga abogado para makipag-usap sa amin ng pwede naming gawin."

"Bastos itong batang ito!" galit na sabi ni Tita Georgia bago hatakin ang tainga ko na palagi niyang ginagawa noon kapag hindi ko siya sinusunod.

Hindi agad ako nakapalag lalo na nang sabunutan niya ko. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong gawin.

Naramdaman ko nalang ang pagluwag ng kamay ni Tita Georgia sa buhok ko hanggang sa mahiwalay na ko sa kanya.

"Tama na po, please. Tama na..." umiiyak na pakiusap ni Pochi na nakatayo na sa harap ko.

Hawak-hawak na rin ni Mamay si Tita na nakipagsabunutan kay Lola. Pumagitna na rin sa amin ang mga tanod.

"Buo na po iyong desisyon namin, ipapakulong po namin si Papa. Kabayaran po iyon sa ginawa niya noon sa Mamay at Ate ko." Pochi sob. Humarap siya sa 'kin tapos ay inipit ang ilang buhok ko sa likod ng tainga ko. "Uwi na tayo, Ate."

"Sige, umuwi na kayo. Ako nang bahala rito," sabi ni Tita habang inaayos niya ang buhok.

Lumapit sa amin si Mamay at hinawakan ang kamay naming magkapatid.

Gawa sa RattanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon