Kabanata 55

5 2 0
                                    

"Coach? Pinatawag n'yo raw po ako?"

Nilingon ako ni Coach at sinenyasan na lumapit.

"Paki-abot naman ito kay Coach Tom, Pei."

Inabutan niya ko ng folder na kinuha ko naman.

"Sige po."

"Salamat."

Lumabas na ko sa opisina niya. Sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko sa labas ng clubroom.

"Ano iyan?" tanong ni Gale.

I shrugged. "Abot ko lang daw kay Coach Tom eh."

Naglakad kaming apat papunta sa sepak takraw clubroom. Hindi ko sure kung naroon si Coach pero kung wala siya ay iiwan ko nalang ito sa desk niya.

Hindi na ko nag-abala pang kumatok sa pinto ng clubroom, basta ko nalang iyon na binuksan.

Napatingin sa akin ang mga players pagkapasok ko. Agad silang ngumisi at tumingin sa iisang gawi.

Sinundan ko kung saan sila tumingin... kay Mijares. Nakatalikod ito sa akin habang nakapameywang. Wala siyang suot pang-itaas kaya naman kitang-kita ko ang likod niya na may tumutulong pawis.

May mangilan-ngilan ding nakahubad kaya naman umiwas agad ako ng tingin.

Hindi siya humarap sa 'kin dahil hindi naman siguro niya alintana ang mapangtuksong tingin ng mga ka-team niya.

Dinaanan ko lang sila at dumiretso sa opisina ni Coach. Kumatok ako roon tapos ay pumasok.

"Pinapa-abot po ni Coach."

Ngumiti siya at kinuha ang folder sa akin. "Salamat."

Pagkalabas ko ay napakunot ang noo ko dahil nagsitikhiman ang mga players. Hindi ko na pinansin at naglakad nalang ako paalis.

Pero nasa pinto na ko nang tawagin ako ni Kyell.

"Hi raw sabi ni Jaffy."

"Iyon oh!" kantyaw ng iba.

Gulat na humarap sa akin si Mijares dahil sa sinabi ni Kyell. Ako naman ay nanlaki ang mga mata nang makita ang katawan niya.

Payat pero tamang-tama lang ang masel sa braso at dibdib. At tama si Chasi... may abs pero hindi masyadong hulmado.

Ang weird lang ng pakiramdam. Madalas naman akong makakita ng ganyang katawan sa mga tambay pero bakit pagdating sa kanya ay naiilang ako?

Hindi lang iyon. Humahanga rin ako kahit na hindi naman gano'n kaganda ang katawan niya.

Tinakpan niya ang katawan gamit ang mga braso niya tapos ay agad na tumalikod. Ako naman ay mabilis na lumabas.

"T-tara na," pag-aya ko sa mga kaibigan ko bago ako naunang maglakad.

"Pei, are you okay? Namumula ang mukha mo," sabi ni Zuie habang sinisilip ang mukha ko.

"Syempre! Pumasok ba naman siya roon eh puro boys doon. Mga half-naked pa iyong iba." Jodi chuckled. "Ano, Pei? Madami bang pandesal?"

"A-anong pandesal? Clubroom iyon, hindi bakery!"

Tinawanan lang nila ako habang ako naman ay pilit na binubura sa isip ko ang nangyari kanina.

Nang kinagabihan ay naghahanda na ko para matulog nang tumawag si Duchess.

Nagpalitan kami ng number noong magkagrupo kami para sa cultural event.

Kunot-noo kong sinagot ang tawag.

"Bakit—"

"Ang tagal mo namang sumagot!"

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now