Kabanata 39

5 2 0
                                    

"Isang gatorade blue po."

Inabot agad sa 'kin ng tindera ang binibili ko kaya inabot ko na rin ang bayad ko.

"Aalis na ko sa fastfood chain," sabi ni Gale. Naglalakad na kami pabalik sa gym.

"Bakit?" halos sabay naming sabi ni Zuie.

"Nahihirapan ako eh. At saka sabi ni Kuya Diell, papasok niya raw ako sa milkteashop nila." Tumingin siya sa amin. "Kanila pala talaga iyon 'no?"

"Humble kasi siya parang si Zuie."

"Bakit kasi ayaw mong pumasok do'n sa resto namin?" tanong ni Zuie.

"High class iyon 'no, mahirap na baka tamaan ako ng katangahan tapos may mabasag do'n, siguradong malaki ang babayaran ko."

"Syempre sagot ko na iyon."

"Ayan, isa pa iyan. Sagot mo ko sa lahat ng bagay. Ayoko namang umasa sa 'yo."

Ngumuso si Zuie. "Eh bakit iyong kay Diell, tinanggap mo?"

"Tampo na siya, Gale."

Gale chuckled tapos ay piningot nito ang ilong ni Zuie. "Hayaan mo na. Kapag kailangan ko na talaga ng tulong mo, lalapit naman agad ako sa 'yo."

Pumasok na kami sa gym. Inilapag ko ang gatorade ko sa tabi ng bag ko bago ako nag-exercycle.

Nang matapos ako ay kumuha agad ako ng bimpo para ipampunas sa pawis ko.

Inikot ko ang braso ko pero natigilan ako nang may matamaan ako. Paglingon ko ay nakita kong pinapagpagan ni Captain ang nabasa niyang tshirt.

Nasagi ko ang tumbler niyang may lamang tubig na siyang tumapon sa damit niya.

"Hala! Captain, sorry..."

Tumulong ako sa pagpunas pero pinigilan niya ko.

"Okay lang, magpapalit naman ako."

"Eh kasi..." Napatingin ako sa hawak niyang tumbler. "Ikukuha nalang kita ng tubig."

He gently smiled. "Huwag na."

"Master!" Lumapit sa amin si Mijares. Napatingin siya kay Captain tapos ay hinawakan ang braso ko. "Atras ka. May basa rito oh, baka madulas ka."

Umatras naman ako. Napatingin ako sa gatorade na nasa gilid ng bag ko tapos ay dinampot iyon.

"Captain, sa 'yo nalang ito." Inabot ko ang gatorade.

"Huwag na."

"Sige na. Alam kong kakapalit mo lang ng damit. Tanggapin mo na 'to, pampalubag-loob ko."

Biglang sumabat si Mijares. "Bakit mo iyan... binibigay sa kanya?"

"Peace offering nga," sagot ko sa kanya.

"It's okay, Captain. Sa 'yo iyan kaya inumin mo na."

"Kaya ko namang bumili nito." Halos ipagduldulan ko na kay Captain ang bote. "Please?"

Captain sighed bago tinanggap ang inaalok. "Okay. Ang kulit mo eh."

Napangiti na ko. Napatingin ako kay Mijares. Nagtaka ako nang makitang mukhang malungkot ito habang nakatingin sa gatorade na iniinom na ni Captain.

"Master, bakit mo binigay..." bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan.

"Ha?"

Tumingin sa 'kin si Mijares. Iyong emosyon sa mga mata niya, nakita ko na noon.

Noong sinuntok ko siya.

Iyong betrayal, disappointment, at lungkot... nakikita ko ulit ngayon.

Pero bakit? Ano na namang ginawa ko?

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now