Kabanata 38

7 2 0
                                    

"May naghahanap sa 'yong lalaki sa clubroom kanina."

Napasulyap ako kay Jodi. "Si Mijares?"

Kinikilig na pinalo niya ang braso ko. "Hindi siya. Ikaw ha, hinahanap mo."

Umiling nalang ako. Naupo siya sa katabi kong exercycle at nagsimula na siyang pumadyak.

Nasa gym kami ngayon ng school. Madalas kaming mag-exercycle kapag puro na kami training sa kamay, maganda rin kasi na na-eexercise ang paa namin para mabilis kaming makahakbang kapag iiwas sa palo ng kalaban.

"Uy, sino iyong lalaking naghahanap sa 'yo? Mukhang bata pa ah pero ang cutie. Medyo bad boy ang datingan," pagdescribe ni Jodi.

"Baka si Pochi?" tanong ni Gale na nasa kabila ko, pumapadyak rin.

"Cutie raw. Hindi naman cute iyon."

Nagtawanan silang dalawa. Luh. Seryoso kaya ako.

"Ikaw ha, haba talaga ng hair mo. Pagkapasok palang no'ng guy, hinanap ka na eh."

"Sino ba iyon?" tanong ko. Wala kasi akong ideya kung sinong tinutukoy niya.

"Hindi ko narinig iyong pangalan eh. Pero kilala ka niya at mukhang type ka."

Malakas na tumikhim si Captain na nasa weightlifting machine, katabi niya si Zuie.

"Ay, sorry, Kuya. Tingin ko lang naman, hehe. Huwag kang mag-alala, mukha namang hindi siya threat," sabi ni Jodi kay Captain.

Tumigil ako sa pagpadyak. Bumaba na ko at lumapit sa gamit ko. Pinunasan ko ang leeg pati na ang batok ko.

Tumigil na rin sina Gale, Zuie, at Captain. Uminom agad ako ng tubig para mapunasan na si Zuie na naka-upo na sa harap ko.

Kinuha ko ang bimpo niya sa balikat tapos ay ginamit ko iyon pamunas ng pawis niya sa likod.

"Si Kuya Diell din punasan mo," suhestyon ni Gale.

Nabilaukan tuloy si Captain habang umiinom ng tubig. Pinalo ko sa braso si Gale.

"Pei..." Hinawakan ni Zuie ay braso ko. Nakatingala na siya sa 'kin. "Kapag nagkaboyfriend ka na, pupunasan mo rin pawis nila?"

Ngumisi ako. "Hindi, kasi magtatampo iyong little brother ko."

He chuckled bago binaba ang ulo. "Very good ka riyan, Ate."

"Ate ka riyan. Mas matanda ka kaya sa 'kin."

Tinaas lang niya ang nakathumbs up niyang kamay.

Napa-iling nalang ako. Kaya nagseselos sa kanya ni Pochi eh. Mas kapatid ko pa raw kung itong si Zuie kaysa sa kanya na totoo kong kapatid.

Nagshower na kami para makakain na ng lunch.

"May ideya ka ba kung sino iyong naghahanap sa 'yo, Captain?"

Umiling ako. Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria.

"Baka kakilala ko. Tanong ko nalang kay Coach mamaya kung sino iyon."

Napahinto si Captain sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nakakunot ang noo niya sa tinitignan kaya tinignan ko rin.

Kumunot din ang noo ko nang makita kung sinong tinitignan niya.

"Mentor?!"

"Ha?" tanong ko.

Agad siyang tumakbo papalapit sa 'kin at dinamba ako ng yakap. Nagtatatalon siya habang paikot-ikot kami.

"Siya iyong nakita natin sa club, 'di ba? Si Denver?" narinig kong tanong ni Gale.

"H-hoy..." Tinapik-tapik ko ang likod ni Denver pero nagpatuloy lang siya sa pagtalon.

Gawa sa RattanKde žijí příběhy. Začni objevovat