Kabanata 36

6 2 0
                                    

"Gale? Bakit ang dami mong dalang gamit?"

Nilapitan ko siya para tulungang buhatin ang mga bags na dala niya.

"Ang sakit ng likod ko..." Pabagsak siyang humiga sa kama niya.

"Ang sabi mo, kukuha ka lang ng ilang damit sa inyo pero bakit parang buong bahay n'yo na ang dala mo?" I joked. "Puro damit lang ba iyan?"

Dumiretso siya sa kanila pagka-uwi niya galing sa trabaho. Alas-onse na ng gabi at hindi ako sanay na wala siya kaya hinintay ko.

I heard her deep sigh. "Pei..."

"Hmm?" Umupo ako sa kama ko.

Nanatiling nakahiga si Gale habang nakatingala sa kisame. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may pumatak na luha sa kaliwang mata niya.

"Pinalayas ako..."

Hindi na niya napigilang umiyak. Napahikbi na siya tapos ay tinalikuran ako.

Napakagat ako ng ibabang labi tapos ay lumapit sa kanya. Umupo ako sa kama niya tapos ay hinimas ang balikat niya.

Walang naikukwento sa amin si Gale pero tulad nga ng sinabi ko noon, ramdam kong may problema siya.

Ngayon, sigurado akong hindi iyon maliit na bagay para palayasin siya sa kanila.

Hindi kami close ni Zuie sa pamilya ni Gale. Dawalang beses pa nga lang kami nakakapunta sa kanila eh. Kaya hindi ko alam ang ugali ng pamilya niya.

Ang alam ko lang ay panganay si Gale na may dalawang kapatid, isang babae at isang lalaki. Parehas na nagtra-trabaho ang parents niya sa isang factory.

Ayan lang ang alam ko dahil hindi siya madalas magkwento tungkol sa pamilya niya.

Bumangon siya tapos ay pinunasan ang luha.

"Ang drama ko..." Pilit siyang tumawa.

"Gale... anong nangyari?"

Umiling siya nang hindi humaharap sa 'kin. "Gusto kong sabihin pero hindi ko pa kaya. Sorry."

"Okay lang!" agad kong sabi. Tinapik-tapik ko ang likod niya.

Humarap siya sa 'kin. "Promise. Sasabihin ko rin sa inyo. Sa ngayon, hindi ko pa kaya... natatakot kasi ako..."

Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti. "Naiintindihan ko. Sigurado rin akong maiintindihan ni Zuie. Kung ano man iyong problema mo, dadamayan ka namin."

"Salamat. Salamat, Pei." Tumango lang ako. "Matulog ka na, may pasok tayo bukas. Magpapahinga na rin ako."

Tumango ako at tumayo na sa kama niya. "Sige, pahinga ka na."

"Ikaw na ang... magsabi kay Zuie tungkol..."

"Oo, sige." Bumalik na ko sa kama ko. "Goodnight, Gale."

"Goodnight, Pei."

Pagkahiga ni Gale ay agad kong chinat si Zuie. Sinabi ko na pinalayas si Gale at huwag niyang tanungin kung bakit dahil ayaw pa nitong sabihin.

Mukhang tulog na si Zuieng dahil hindi nagre-reply. Hindi bale, nagbabasa naman iyon ng messages pagkagising.

Kinabukasan ay nasa field kami ni Zuie. Si Gale ay nagkulong sa dorm, mukhang kailangan niya ng  time para makapag-isip kaya hinayaan na namin. Hinahatiran ko lang siya ng pagkain.

Pinapanood namin ni Zuie ang mga nagbabadminton sa field. Hinihintay namin sina Mijares dahil sasabay daw sa amin magmeryenda.

Napalingon ako sa gilid ko nang may tumabi sa 'kin. Kumunot ang noo ko nang makita si Duchess na nakahalukipkip.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now