Kabanata 58

4 2 0
                                    

"Ano iyan?"

"Banner po," sagot ni Pochi sa tanong ni Jodi.

Nasa loob kami ng kotse ni Zuie at tinatahak ang daan papunta sa arena kung saan gaganapin ang laban ng sepak team.

Nasa tabi ako ni Zuie habang magkakatabi naman sa likod ang tatlo. Pinapagitnaan nila si Gale.

Gusto raw sumama nitong kapatid ko na hinayaan ko naman dahil wala naman na siyang pasok at training.

Gale chuckled. "Inutusan ka ni pakboy?"

"Hindi po ah. At saka, bakit po ganyan iyong tawag mo sa kanya? Virgin pa raw po siya."

Nagtawanan kami. Siguradong naturuan na ng kung ano-anong kalokohan ni Mijares itong kapatid ko.

"Naniwala ka naman," Gale scoffed.

"Honest naman po si Kuya ah."

"Nakakatampo ka, Pochi. Ang bilis mong nakasundo si Jaffy pero ako..." nakangusong sabi ni Zuie habang nagmamaneho.

Hilaw namang tumawa ang kapatid ko. Natawa nalang din kami.

Nagulat ako nang huminto ang sasakyan. Napatingin kaming lahat kay Zuie.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Nasira yata. Wait lang, titignan ko," aniya bago bumaba ng sasakyan.

Pinanood namin siyang buksan ang harapan ng sasakyan. Napa-ubo siya dahil sa usok na lumabas.

"Hala! Baba na tayo, Ate, baka sumabog 'to."

"Ano? Para kang tanga—" naputol ako sasabihin ko nang mabilis na bumaba ang magaling kong kapatid.

Nagtawanan kaming tatlo bago bumaba na rin.

"Ang praning mo, Pochi," natatawang sabi ni Gale.

"Gano'n po iyong sa pinapanood namin ni Tita eh."

Nilapitan ko si Zuie. "Anong nangyari?"

"Overheat yata. Wait, tatawagan ko iyong driver namin." Pagkatapos niyang tumawag ay nilingon niya kami. "Sorry, guys, nasira eh. Magtaxi nalang tayo."

"Iiwan mo rito iyong kotse mo?" tanong ni Jodi.

"Hindi. Mauna na kayo, hihintayin ko pa iyong driver namin eh."

"Ha? Sabay-sabay na tayo. Samahan ka na naming maghintay sa driver n'yo," sabi ko.

"Oo nga, maaga pa naman," segunda ni Gale.

"Okay."

Kinse minutos siguro naming hinintay ang driver nila na may kasamang mekaniko. Sinimulan agad nila ang pag-ayos sa kotse ni Zuie.

Napatingin kami sa isang itim na kotse na pumarada sa tabi ng sasakyan ni Zuie tapos ay ilang beses na bumusina.

"Sino ba iyan? Ang sarap ibalibag ah," inis na sabi ni Gale.

Hindi naman kasi nakaharang ang kotse ni Zuie sa kalsada kaya hindi namin maintindihan kung bakit kailangan niya kaming businahan.

Bumaba ang driver ng kotse tapos ay kumaway sa amin. Napangiwi nalang ako.

"Hi, Mentor! Need a ride?" tanong ni Denver na naka-shades pa.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ko.

"Galing ako sa inyo eh, sasamahan kita manood kaso naka-alis na raw kayo sabi ni Mamay." Tinignan niya ang kotse ni Zuie. "At mukhang nasiraan pa kayo. So... sabay nalang kayo sa 'kin?"

Napatingin kami kay Zuie. Nagkibit-balikat lang siya.

"Pwede naman."

"Eh 'di tara na!" sabi ni Jodi.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now