Kabanata 8

16 2 0
                                    

"Gutom na gutom na ko."

Panglimang beses na yatang sinabi ni Gale habang nakapila kami sa bilihan ng pagkain.

Alas-dose kasi kaya maraming estudyante. Ang haba tuloy ng pila.

"Ayan na, ikaw na next." Marahan ko siyang tinulak.

Nang maka-order na kami ay umupo na agad kami sa table na kakagamit lang nina Captain.

"Una na kami, may klase pa kami eh. Bye, guys. Bye, Captain." Ginulo ni Captain ang buhok ko bago sila umalis.

"Bye, guys!" Kuya Jason waved.

Nagwave nalang din kami sa mga seniors namin.

Kumakain na sila nang pumasok kami sa canteen. Eh dahil nga walang vacant ay kinausap namin sila na hintayin kaming maka-order para kami naman ang gagamit ng table nila. Pumayag naman sila.

"Hindi ka pa rin kinakausap ni Ate Summer?" tanong ni Gale habang puno ang bibig niya ng pagkain.

Umiling ako bago sumubo ng kanina. Magmula kasi no'ng araw na pinuntahan ako ni Mijares ay hindi na niya ako pinapansin. Siya at 'yong mga kasama niya no'n. Siguro nga akala nila nagsinungaling ako sa kanila.

Pero naisip ko naman, ano namang pake ko kung hindi nila ko pansinin? Hindi naman ako nagsinungaling sa kanila. Itong si Mijares lang naman ang feeling close.

Nakita kong tinaas ni Zuie ang kamay niya. Parang may sinisenyasan siya.

Mabilis namang lumapit sa amin 'yong sinenyasan niya.

"Makiki-table ako sa inyo ah," nakangiting sabi nito bago ilapag ang tray niya sa table.

Paupo na ito sa upuan nang magsalita si Gale.

"Hindi pwede!"

Nabitin ang pag-upo ni Mijares dahil sa sigaw ni Gale. Napakamot siya ng batok.

"Bakit bawal?" tanong niya na may alanganing ngiti.

"Gale, huwag ka ngang harsh," saway ni Zuie. Tumingin siya kay Mijares. "Sige, upo ka na."

Uupo na dapat ulit si Mijares pero sumigaw na naman si Gale.

"Hindi nga sabi pwede!"

"Bakit ba?!" pasigaw na tanong ni Zuie.

Uminom muna ng tubig si Gale. "Eh ayoko nga! Mawawalan ako ng gana."

Napabuga ako ng hangin sa sigawan ng dalawa. Buti nalang maingay sa paligid dahil nga crowded kaya hindi kami masyadong napansin.

"Ahm... sige. Hanap nalang ako ng ibang table, badi. S-sorry, Gale—"

"Huwag na, umupo ka na riyan." Pagtatapos ko ng usapan.

Gulat na napatingin silang tatlo sa 'kin.

"Pei naman!" reklamo ni Gale.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Bakit ka ba galit na galit? Hayaan mo na, wala nang table oh. Hindi naman niya kasama si Willie."

Gawa sa RattanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora