Kabanata 57

4 2 0
                                    

"Magde-date kayo?"

"Opo. Nangako po kasi ako sa kanya na lalabas kami kapag hindi na ko busy..." nahihiyang sagot ni Captain kay Tita.

Nagkatinginan naman si Mamay at Tita tapos ay mapanuksong bumaling sa akin. Nagkibit-balikat naman ako.

Alas otso pa lang ng umaga pero nandito na agad si Captain. Pinagpaalam niya ko kina Mamay na lalabas kami.

Hindi ko alam na lalabas kami ngayon kaya nagulat ako kanina nang sabihin niya iyon. Mabuti na nga lang ay maaga akong nagising.

"Sama ako!" suhestyon ni Pochi. Nakatanggap siya ng palo sa braso mula kay Tita.

"Date nga tapos sasama ka."

"Bawal po ba iyon? Third wheel ako."

"Pochi, manahimik ka nga riyan," saway ni Mamay. "Oh siya, sige. Mag-ingat kayo ha. Huwag magpagabi sa daan."

Napangiti ng malaki si Captain. "Salamat po, Tita."

"Sama ako, Ate."

Nginiwian ko si Pochi na kumakalabit sa akin. Bakit ba gustong-gustong niyang sumama?

Pagkatapos maligo at magbihis ay umalis na kami ni Captain. Hindi ko na pinansin si Pochi na kulang nalang ay kumapit sa akin makasama lang.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang maka-alis na kami sa bahay sakay ng kotse ni Zuie na pinahiram sa kanya.

Nakangiti niya kong sinulyapan. "Secret."

Napangisi nalang ako tapos ay umiling. Binuksan niya ang radyo. Napatingin ako sa kanya nang sabayan niya ang kanta.

Pinagpala rin talaga siya sa boses bukod sa pagiging magaling na atleta sa arnis. Nasa tono ang pagkanta niya at masarap pakinggan.

Hindi tulad ni Mijares na wala talaga sa tono. Pero imbes na mainis ay matatawa ka nalang.

Natigilan ako. Hindi tama ito.

Kasama ko si Captain pero si Mijares ang nasa isip ko.

"Hindi mo gusto iyong kanta... o iyong boses ko?"

"Ha?" gulat kong sabi bago umiling. "Maganda. Kung kaya mo, pagsabayin mo ang pagiging arnisador at singer. Kikita ka ng malaki tapos sisikat ka pa."

He chuckled. "Naisip ko iyan noon pero baka mahirapan lang ako. Ayokong dumating sa point na baka kailangan kong mamili."

"If ever na dumating ka sa point na iyon, anong pipiliin mo?"

"Hmm..." Napaisip siya. "Siguro arnis talaga. Mahirap iwan iyong nasimulan mo na."

Tumango-tango ako. Kaya nga naghihirap ngayon si Mijares eh, hindi niya maiwan ang sepak.

Agad akong napa-iling para iwaksi ang imahe ni Mijares sa utak ko.

Ano ba naman iyan! Bakit ba siya palaging pumapasok sa isip ko?!

"Captain, anong problema?"

Napatingin ako sa kanya. Pasalit-salit ang tingin niya sa akin at sa kalsada. Bakas ang pag-alala sa mukha niya.

Nakakakonsensya.

"Naisip ko lang bigla na... nakakatakot mapunta sa sitwasyon na kailangan mong mamili sa bagay na gusto mo at sa bagay na importante sa 'yo."

Napalitan ng ngiti ang pag-aalala sa mukha ni Captain. "Huwag mo nang isipin iyon. Sigurado ako na hindi ka mapupunta sa ganoong sitwasyon."

Ngumiti nalang din ako at hindi na nagsalita pa. Ayoko nang magbukas ng topic dahil baka pumasok na naman si Mijares sa utak ko.

Gawa sa RattanWhere stories live. Discover now