“Edi tumawag ng mga kaklase nating babae.“ Suhestiyon ko naman para matigil na sila.

So ayun tumawag na sila at nag lapitan naman. Go naman sila sa laro eh.

“Pipili nalang ba ng Partner?“ Sabay lapit sa'kin ni Calvin.

“Oh, sige.“

“Tayo partner, Pandesal / Tayo partner Kate.“ Nagulantang naman 'yung magkabilang kamay ko nang hawakan ni Blake at Calvin 'yun. Waaa!~ Tig-isa isa ng hawak sa kamay ko >////<  Nilingon ko silang dalawa. Aba’t! Ang sama ng tingin sa isa’t-isa.

“Teka, Hindi naman pwedeng dalawa kayong partner ko." Napalunok naman ako ng laway nang tumingin sila sa'kin; ang sama ng tingin nila! Wala 'kong kasalanan! "Hmm.. Pa'no ba---“

“Mag Jack-en-poy nalang kaya kayo?" Nakuha naman ni Lance 'yung atensyon naming lahat. "Kung sino panalo, s'ya makakapartner si Kate.“ Mabuhay ka Lance! Thank you for saving me!

So ayun. Nag nod naman 'yung dalawa na ang sama pa rin ng tingin sa isa’t isa. Parang may kuryente eh! Ayun.. ilang ties tapos nung pang 3rd J.n.P na Panalo si Blake. Wehehehey!~ Partner kami!~

So ang ginawa namin, nag partner-partner na kami. Nakasakay na ako kay Blake tapos 'yung nakuhang partner ni Calvin ay si Mich. Nag aalburoto pa nga si Francine kasi ayaw daw siya ipasan ng mga boys. Hahahaha. Ang baliw talaga ng baklang 'yon. Lumalandi kasi. Pero in the end, nagpakalalake naman s'ya. Nagpasan na rin naman kasi siya ng classmate namin.

Nag laban na kami! And dami namin infairness! Hahaha. Pero sobrang nag-enjoy ako; kami. Si Blake naman, natutuwa ako kasi ang manly ng tawa niya. Ang sarap sa pandinig at pakiramdam na naririnig ko 'yung tawa n'ya. Nakaka inlababo lalo. Grabe… ang laki na talaga ng pinagbago ni Blake. Kasi, 'di ba, dati, wala siyang kinikibo sa mga school mates namin except kay Yelo? But now.. nag level-up na siya! Oha!

--

Gabi na. Nandito kaming lahat sa isang bonfire na ginawa namin. May mga nag-iinom, may mga kumakain ng chips and everything tapos may nag gigitara pa. Basta kung ano trip gawin, ayun.

Siguro nasa 35+ lang kami. Kasi nga, 'di ba, 'di sumama 'yung iba? Pero okay na rin siguro 'to kasi hindi mahihirapan si Ms. Rizza if ever may mangyaring sobrang unexpected; na 'wag naman sana mangyari dahil alam kong affected ang lahat dito—including me.

May mga pumapasok na rin sa loob kasi inaantok na. Tinignan ko 'yung oras sa cell phone ko. Time check: 11:30. Hmm.. Birthday ko na sa makalawa, which is September 27. Wala pang nakaka-alam at wala akong balak ipaalam. Ang may alam lang ay si Mich at Francine--—siyempre powerpuff kami eh!

Nagtext naman ako kay Mama pati Kuya Gelo. Kinakamusta sila. Wala lang. Medyo namiss ko kasi sila.

“Guys!" Sakto naman 'yung pagsend ko ng message nang sumigaw si Michael. "Laro tayo ng Spin the Bottle! “

Spin the Bottle? Go ako!

“Game!“ Sigaw naming lahat.

Naglapitan naman kami't umupo paikot sa isang mini table na inilabas ni Michael.

“'Yung mga nakaupo na, 'wag nang umalis. 'Wag kayong K.J! We have to enjoy our stay here! Tapos… Siyempre dapat may parusa. Kung ayaw mo gawin yung Truth or Dare mag sa-shot ka ng Red horse para Masaya.“ The fudge?! 'Di ako umiinom! Pa'no 'to? Walang takas!

Malalagot ako nito sa Kuya ko! Ayaw kasi ako nu'n painumin ng alak eh! Ayoko rin naman, 'no! Walang naidudulot na mabuti 'yun!

May nilagay silang mga bote sa Lamesa sa gitna namin. 13 lang kaming nakapalibot sa table. Sana po hindi ako matapatan ng bote ng kamatayan. 'Pag nalaman pa ni kuya na uminom ako—if ever matapatan ng bote at 'di ko kaya gawin yung dare, mapapaslang talaga ako nu'n! Strict 'yun eh!

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon