Next scene na ginawa namin ay yung sa church scene na. Pumunta si Landon pati mama niya—which is being played by Jean.

Pumasok na si Landon sa room ng Drama Club. Eto na 'yung scene na parang hindi sineseryoso ni Landon, which is being played by Calvin, 'yung pagsali niya sa Drama Club.

In all fairness kay Calvin at Blake, ang galing nila umakting, ha? Si Blake, parang 'di galit sa mundo ngayon. Kengkoy kasi 'yung character n'ya sa play. Hindi n'ya ugali 'yun pero na-adapt n'ya agad 'yung nature ng character n'ya.

Pwedeng-pwede silang mag-artista, that I can assure you. They have the looks, talents on acting and... Charms. Yeah. Charms. 'Yung mga audience ngang teenager, sa kanila nalang yata nakatingin eh. Wala ng pakielam sa play. Sa kanila nalang talaga.

Ang sarap nilang balatan ng buhay---Hallelujah! Ang mga iniisip ko talaga! Nashu-shunga nanaman 'tong isip ko.

Most of the scenes we’re narrated dahil 'yung ibang scenes na magaganda lang naman ang i-act namin. Hindi naman kasi namin pwedeng i-act 'yung buong story dahil sobrang haba nu'n.

'Yung nag star gazing sila sa sementeryo and so on and so forth.

Gumawa lang kami ng isang scene na para ipakita yung mga practice part namin para sa play tapos nag jump na kami sa play scene.

Tapos eto na!

'Yung Play scene na. OHWEMGEE..

Nandito kami ngayon sa Backstage, kausap 'yung mga kasama sa scene na to.

“Hoy, Kate!" Napalingon naman ako kay Sam na tumatakbo papalapit sa'kin. "Halika na!" Sabay hawak n'ya sa pulso ko. "Susuotin mo na 'yung dress! “

Ano kaya itsura nu'ng dress?

Hinila na nila ako at binugbog sa loob ng dressing room—siyempre mga babae lang nandito na nag bibihis sakin. At ilang saglit lang din nang natapos na nila 'kong bugbugin.

“Whoa. Ang ganda.“ 'Pag harap ko sa salamin ayan agad reaksyon ko.

“Oo, alam naming maganda ka kaya mamaya ka na mainlove sa sarili mo. Labas na! Bilis!“ Sabay tulak nila sa'kin palabas ng dressing room.

Pagpunta namin kung nasaan 'yung mga kaklase namin, lahat ng mga mata nila, napako sa'kin.

“Wow…“ 'yan ang nasabi ng mga classmates ko.

Napatingin naman ako kay Blake. Nagtama 'yung mga mata namin saka kami nagngitian.

Kinuha ko na agad 'yung coat at itinago 'yung sarili ko du'n. Kailangan kasi 'yun eh.

Pero... 'Di talaga 'yun 'yung main reason kung bakit itinago ko 'yung sarili ko du'n.

Para... Itago 'yung pamumula ng mukha ko at sa pagbabakasakaling pahupain 'yung malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Hindi naman 'to dahil sa kaba eh. Oo, kinakabahan ako dahil sa mga nanunuod pero...

Kay Blake 'to eh. Sa ngiti ni Blake.

“Okay, Guys! Tama na titig kay Kate. Baka matunaw na siya, hindi pa natatapos 'tong play. 'Yung mga sasabak sa scene na 'to, galingan n'yo! We’re almost done so better get pumped. Okay?" Nirolyo ni Ria 'yung hawak n'yang script tapos itinaas 'yun. "Fighting!" 

We silently shouted “FIGHTING” and then pumwesto na kami sa likod ng curtian—'yung malaking curtain then bumukas na 'yun dahil nakapwesto na kami sa mga pwesto namin.

“You promised me, Tommy. No more of your no good big schemes. You promised me we’d go to Paris."

Hanggang sa 'yun nga. Oras na para sa pagpasok ko sa eksena.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon