“Tignan mo kung pwede.. binili ko”

Inilabas ko sa paper bag ang isang yellow flower pattern dress simple lang sya pero maganda.

“Teka paano ako makakapag-palit? Tsaka.. hello naka-sneakers ako tapos dress binili mo? Hindi babagay baka pag-tawanan ako….” Sumbat ko kahit medyo natouch naman ako dahil pinag-abalahan pa nya akong ihanap ng pampalit.

“Aish. Tumayo ka lang dyan. Itaas mo paa mo”

Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang isa kong paa. Tapos nagulat na lang ako ng hinubad nya yung isa kong sneakers.

“Oy! Teka anong ginagawa mo?” kaso bago ko pa sya naabutan tumakbo na ulit sya palabas ng bookstore.

Halah! Anong kalokohan nun? Bakit bigla nyang kinuha yung sapatos ko? Mukha tuloy akong tanga dito. Isang Cinderella na may tagos. Kakahiya ang hitsura ko. San na naman ba kasi pumunta si Renz?

After what I feel like ages bumalik din ulit si Renz na may dala ulit paperbag at yung kabiyak ng sapatos ko.

“Halika na!” yaya nya

“Teka san? Tsaka pano pati?”

“Hindi ka ba magpapalit sa cr? binilhan na nga kita ng pamalit. Gusto mo bang dito ka na lang hanggang sa maging pula na yang shorts mo?”

“Ano!!? Teka sasama ka?”

“Ano namang tingin mo sakin?” Syempre dun lang ako sa labas. Sasamahan kita lumabas dito. Sisiguraduhin ko na walang makakapansin sayo. Malapit lang pati yung cr dito. Andun lang sa may corner. Ano? Tatayo ka na lang dyan?” 

I was surprised by his unspoken concern. Gagawin talaga nya yun? May pagkamabait naman palang taglay itong mogi na to. Naramdaman ko naman na hinila na nya yung kamay ko palabas ng bookstore.

“T..Teka lang Mogi!” 

Tumigil sya tapos inabot sakin yung isa pang paper bag na hawak nya.

“Oh, Eto iharang mo sa likod mo para matakpan. Tapos bilisan mong pumunta dun sa cr.”

Sinunod ko naman sya at ginawang pangharang yung paper bag na dala ko. Napansin ko na sumusunod lang sya sa likuran ko. Binilisan ko ang paglalakad para marating ko agad ang cr. Lumingon pa ako sakanya para Makita ko kung sumunod sya. Bago ako pumasok sa loob nakita ko sya na sumandal lang sa isang tabi pero hindi sya nakatingin sakin.

Pagpasok ko sa loob ng cr. Andami pa ring tao. Agad akong bumili ng napkin sa vendo machine sa loob ng cr. Sinamantala ko ng may nabakanteng cubicle at agad akong pumasok. 

Pagbuklat ko nung isang paperbag may lamang kahon ng sapatos tsaka isang maliit na plastic bag. Pagbukas ko nung maliit na plastic bag….

……………………….

O_O

O////O

Kyaaaaaaah! Nakakahiya pati ba naman ito binili nya? Nakaramdam ako ng hiya ng Makita ang isang pink lacy underwear na may ribbon sa magkabilang gilid at napakaseductive ng hitsura. Parang sa mga maghohoneymoon lang ginagamit ang underwear na yun. Never pa akong nakapag suot ng ganitong underwear mukang ngayon pa lang. 

No choice ako kundi magpalit all the way. Sinuot ko na rin yung binili nyang dress. Ang bongga infairness marunong pala syang pumili ng damit. Nagulat naman ako nung tinanggal ko yung pricetag. Waaah!

O_O

Php 2520 sa Forever 21 at  yung ballerina shoes na binili nya sa Nine West ay may presyong Php 2817

 Ang mamahal naman ng binili nya. Kaya nya pala kinuha yung isang pares ng sapatos ko kasi bumili pa sya ng babagay na sapatos sa damit ko. Paano ko babayaran lahat to eh. Hindi pa nga ako nabibigyan ng allowance ko for the next month..waaah ang gastos gastos ko pa naman sa mga libro pero hindi sa mga damit. Kaya kong gumastos ng ganito kalaki kung libro ang bibilhin ko. Kyaaaaah nakakahiya!

After siguro 20 minutes na pagpapalit lumabas na ako at humarap sa salamin. Infairness bagay sakin..hahaha. kasyang kasya pa. bumabagay din yellow gold na ballerina shoes dito sa yellow pattern dress. May sense of fashion naman pala si Mogi..hahaha.

Lumabas na ako ng CR dala dala yung mga pinalitan kong damit.  Nakita ko si Renz na nakatayo pa rin dun sa pwesto nya kanina.  Nahihiya naman akong lumapit sakanya.

“Ano..ahm..Mogi…” tumingin sya sakin at medyo nanlaki ang singkit nyang mata. Tumitig sya sakin na parang tanga. Nailing naman ako sa titig nya.

“Huy!” tinapik ko sya sa balikat kasi parang lampas yung tingin nya sakin.  Nauulol yata.

“Buti nagkasya sayo” bawi nya

“Ang mamahal naman ng binili mo. Tapos bumili ka pang sapatos lahat na lang galing sayo”

“Eh sabi mo hindi bagay yung sapatos dun sa damit kaya humanap ako na partner”

“Eh kasi bakit dress pa binili mo. Hindi naman ako nagpabili nito. Tsaka pwede namang shorts na lang din. Lahat tuloy kailangan ko pang palitan.”

“Eh di ko naman alam ang size ng waistline mo. Atleast pag dress free size. Tsaka teka nga bakit ba reklamo ka ng reklamo. Ikaw na nga binilhan. Ganyan ka ba magpasalamat?”

Natigilan naman ako. Nagtatalo kasi kami habang naglalakad. Medyo naguilty naman ako kasi hindi pa rin ako nagtathank you. Nahihiya kasi ako. Hahahah

“Eh ano.. kasi wala naman akong pambayad ditto. Pwede bang isoli ko na lang bukas? Lalabhan ko na lang” nahihiya kong tanong. Bigla syang tumawa.

“Ahaha. Aanhin ko naman yan? Hindi naman ako nagsusuot nyan. Pero okay lang kung isosoli mo sakin yung underwear cute kasi. Hehehe” he grinned

>////<

“WAAAAAH! B…bastos ka!” hinampas ko sya nung dala kong paperbag.

“Haha. Eh nagkasya ba sayo? Patingin nga!” tumawa sya ng nakakaloko at unti unting lumapit sakin. Hinampas ko sya para hindi tuluyang makalapit. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero sya tawa lang ng tawa.

“Pervert! You are a mosquito pervert!” patuloy ko parin syang hinahampas

“Aray! Teka tama na. masakit na ah! Ouch!” 

Tinigilan ko na rin sya sa paghampas kasi yung paperbag na may lamang sneakers ko ang tumatama sakanya. Kahit niloloko nya ako may utang na loob  parin ako sakanya. Bigla syang naging seryoso.

“Hindi naman kasi kita sisingilin” 

Lalo akong nakaramdam ng hiya, nakakagulo naman ng isipan tong mogi na to. Nakakailang pati kung makatitig.

“Eh hindi ko to matatanggap tsaka ang mahal nito.” 

“Eh di hubarin mo na lang. Akina ako na magtatanggal” 

Ngumiti sya ng mapang-asar tapos lumapit sya sakin at nagtangkang hilahin pababa yung strap ng suot ko. Lumayo naman ako sakanya.

“Baliw ka!”

“Eh ano ba kasing gusto mong mangyari?” tanong nya sakin

“Kasi ayaw ko magkaron ng utang sayo. Pwede ko bang bayaran ng hulugan?” 

“Haha. Isipin mo na lang kasi na regalo ko yan sayo!!”

“EEEEh.. hindi ko matatanggap to.”

“Eh bakit nga kasi?” 

“Ah basta” 

Hindi kasi ako basta basta tumatanggap ng regalo lalo na kung hindi naman ako humingi. Ayoko ng nagkakaron ako ng utang na loob sa ibang tao na hindi ito nababayaran. 

Mukang sumuko naman sya sa pakikipagtalo sakin at nagpakawala ng buntong hininga.

“Oh sige ganito na lang. since hindi ko naman kailangan yung pinambili nyan. Kapalit na lang na maging date kita ngayon araw” he smiled at me.

“WHAAAT!?”

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now