BMW55: The not-so-grand FINALE

Magsimula sa umpisa
                                    

“No one can here you.”

Napakislot pa ako nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa batok ko. “Lumayo ka sa ‘kin!” tinulak ko siya at pinagpatuloy ang pangangatok, “Silvermist, palabasin mo ako dito!”

“Nu-uh, kids, mag-usap muna kayo, diyan muna kayo sa detention,” boses yun ni Silvermist mula sa labas. Dinig ko pang nagtatawanan sila ni Devon.

“Sheez! Plinano niyo to!”

“Bye, Lia!” sabay pa nilang sabi.

“Teka! Let me out!”

“They won’t unless I tell them,” singit ni Keene.

“Then tell them!”

“Hey, guys, open the door,” pabulong na sabi niya na parang nanloloko, “see? Sinabi ko, baka di nila ako narinig.”

“Esh!” wala akong pakialam kung magmukha na akong tanga sa pagpipilit na pagbukas ng pinto.

“You’re making this hard for both of us,” and in just a snap, he pinned me to the wall.

“Bitiwan mo ako, esh!” ang higpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

“Not until you listen to me.”

“Hinding-hindi ako makikinig sa yo! Blah-blah-blah!” pinilit kong gumawa ng ingay para hindi siya marinig.

“Stop it.”

“Blah blah blah blah blah!”

“The moment you stepped into my office, I knew you’ll be a part of my life.”

“Blah blah blah!”

“I was actually laughing when I found out that you used the stairs instead of the other elevator.”

“Wala akong naririnig,” pumikit pa ako at yumuko.

“Lahat ng ginagawa mo sa office, nakikita ko, kabisado ko na ang galaw mo, the way you walk, talk, and all, kasi lagi kitang pinapanood sa CCTV.”

“Whatever, wala, wala.”

“At noong convention, hindi ko plinano na mawalan tayo ng reservation pero nung magkaroon ng vacant room, hindi ko na kinuha kasi mas gusto kong makasama ka, ah, yeah, I did watched you sleep like a log. And...”

“Wala akong pakealam, wala akong pakealam,” lahat ng ingay ay ginawa ko na at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.

“Naalala mo pa nung natulog ka sa hallway ng hotel? You’re dreaming that someone kissed you, right? And that someone is me. And yes, I kissed you.”

Napatigil ako at tumingala sa kanya.

“Tapos sinabi ko sa text na The first kiss was paradise... the second was heaven. That’s true. Unconscious ka nga lang nung una.”

“Sinungaling!” bumalik ulit ako sa pag-iingay.

“Yung bracelet na na kay Devon, I know that’s mine. May batang nagbigay sa akin nun. Sabi niya, magtiwala lang ako. At hindi ko alam na ganun pala yun kaimportante.”

Natahimik na naman ako. “Si Jazle...” nausal ko. Yung batang yun talaga! Esh!

“About Silvermist, she was once my girlfriend but I didn’t love her like the way I’m loving you now.” Huminga siya ng malalim, “ahm, something happened between us but---“

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon