EPILOGUE

50 4 10
                                    

Aligaga kami ngayon habang nag-aayos kami ng mga bata. Tumawag kasi si Caden at sinabihan niya kaming pumunta sa office niya. Ipapasyal daw namin ang mga bata. Kahit hindi naman talaga ako pinagmamadali ni Caden, ayaw kong mag-aksaya ng oras.

"Mommy! Nasaan na 'yong shoes ko?" tawag sa'kin ni Carlyss, pitong taon. Panganay namin ni Caden.

"Anong shoes ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"Mommy, 'yong color pink na doll shoes," sagot niya.

"Sandali lang, kukunin ko."

"Lady Roma." Napatingin ako kay Sunshine.

"Heto na po 'yong shoes na hinahanap ni Lady Carlyss," sambit niya at nakita nga naming hawak-hawak niya 'yong pink na doll shoes na hinahanap ng anak ko.

"Ayan nga, Yaya! Thanks!" At kinuha niya 'yon mula kay Sunshine at isinuot.

"Mommy!"

Napatingin naman ako sa bunso ko na bumaba mula sa hagdan.

"Ano namang sa'yo?" tanong ko.

"Mommy, nasaan na 'yong socks ko?" tanong naman ni Clydel, limang taon at bunso namin.

"Anak, ang dami mong socks. Alin doon?" tanong ko.

"Mommy, 'yong color white tapos color blue 'yong ilalim," sagot niya.

"Lady Roma." Si Sunshine ulit.

"Heto po 'yong socks na hinahanap ni Young master," aniya at nakita ko ngang hawa-hawak niya 'yong medyas na hinahanap ng anak ko.

"'Yan nga! Thanks, Yaya," sambit naman ng anak ko sabay kuha ng medyas niya.

"Salamat sa pagtulong sa'kin na asikasuhin ang mga anak ko," sambit ko sabay hawak sa balikat ni Sunshine.

"Ano ka ba, Lady Roma. Willing po ako pagsilbihan kayo hanggang kaya ko. Isa pa, para ko na ring nakakasama ang anak ko kapag inaalagaan ko sina Milady at Young master," aniya.

"Maraming salamat," sambit ko sabay ngiti.

May isang anak sina Earl at Sunshine. At 'yong anak nila ay nasa pangangalaga ng pamilya ni Sunshine habang nagtatrabaho sila rito.

"Magbihis na po kayo sa taas, Milady. Ako na po munang bahala rito sa mga bata," saad ni Sunshine.

"Ah, oo nga pala. Sige," tugon ko tapos ay kumaripas na ako paakyat sa kuwarto namin ni Caden. Naligo na naman ako kanina. Magbibihis na lang ako at mag-aayos nang kaunti.

Pagdating ko sa kuwarto ay naghanap kaagad ako sa closet ng masusuot at nagpalit na ako ng damit. Tapos ay humarap na ako sa vanity mirror para mag-ayos.

Heto pa rin 'yong mansyon nina Caden noon. Tapos nang ikasal kami, lumipad pa-Germany sina Papá at Mamá. Nabisita na lang sila rito every month para makita ang mga apo nila.

Pitong taon na rin ang lumipas mula nang ikasal kami ni Caden. Hindi na rin ako nakabalik sa office mula nang mag-resign ako noong pitong buwan akong buntis kay Carlyss.

Puwede naman akong bumalik anytime soon. Pero parang mas gusto kong mag-work at home na lang sana para nababantayan at naaasikaso ko mga bata.

Ayaw ko silang ipagkatiwala sa mga maid o babysitter, o kahit sa mga kamag-anak namin ni Caden. Hindi naman sa wala akong tiwala, pero mas maganda pa rin kung nakakasama nila ako palagi.

Isa pa, sabi naman ni Caden suportado niya ako kung ano mang desisyon ko.

Except kung mag-a-abroad ako. Nang banggitin ko noon sa kanya na kung ayos lang sa kanya na magtrabaho ako outside the country kung sakali, aba! Nag-drama na ang kumag.

Under Our Starry SkyKde žijí příběhy. Začni objevovat