CHAPTER 34: Escape

74 3 12
                                    

Dalawang bus ang sinakyan ko hanggang makarating ako rito sa Tagaytay. At mahigit apat na oras ang ginugol ko sa buong biyahe.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa nasabing hotel. Napanganga naman ako sa ganda ng hotel na ito. Malaki at mataas ang gusali. Parang mansion ang style. Puti ang kulay nito at chocolate brown ang bubong. Bawat bintana nito ay malalaki na gawa sa salamin.

May malaking swimming pool pa sa labas. Kulay blue ang tubig at mukhang malinis ito. Pero takot ako sa malalalim na tubig kaya sigurado akong hindi ako magsu-swimming.

Nang makarating ako sa lobby ng hotel ay nagpunta kaagad ako sa front desk. Magalang naman akong in-entertain ng babaeng naroon.

Pinakita ko sa kanya 'yong printed copy ko na patunay na nanalo ako sa promo nila. Tapos ay tinawagan nila ang manager nila.

Umupo muna ako sa puting couch na naroon para hintayin sandali ang manager habang inagmamasdan ko ang paligid.

Malawak at malinis ang paligid. Puting-puti ang sahig. Halos kuminang na ito dahil sa kintab. Puti at brown ang kulay na nangingibabaw sa paligid.

Halatang mahal ang accommodation rito kung hindi lang ako nanalo sa promo nila.

"Excuse me."

Napatingala ako sa taong nagsalita.

"Roma?"

Nandilat ang mga mata ko sa taong nakatayo sa harap ko.

"D-Daniel?"

"Anong ginagawa mo rito?" sabay naming tanong.

"Nanalo ako sa promo ng hotel na three-day stay. Ikaw?" sambit ko.

"Obvious ba? Nagtatrabaho ako rito," sagot niya sabay pakita niya sa'kin ng metal nameplate niyang nakakabit sa bandang dibdib.

Nandilat ang mga mata ko nang mabasa ko ang Assistant Manager, at pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Naka-business attire siya at 'yong usual niyang hairstyle.

"Ano? Natulala ka na diyan. Guwapo ko, 'no?" aniya nang may nang-aasar na ngiti.

"Ungas mo. Hindi ko lang inaasahan na ikaw ang makikita ko rito."

Tumawa siya, "Congratulations, Ms. Roma Cassandra Martinez for winning in our once in a year promo of free staying for three days!" bati niya sa'kin.

"Dahil friends tayo, ako ang bahala sa'yo rito," dagdag pa niya sabay kindat.

Tumawa ako nang bahagya, "Okay. Sabi mo, eh."

Tumayo na ako dahil dadalhin niya ako sa magiging kuwarto ko. Habang naglalakad kami ay napapansin kong tumitingin sa kanya ang mga babaeng nasasalubong namin. Mukha silang nai-starstruck sa kumag na 'to.

Mayamaya ay sumakay kami ng elevator. Pinindot niya ang number five na button nang sumara ang pinto.

"Halatang mamahalin ang hotel na 'to," komento ko at tumawa lang siya nang bahagya bilang tugon. Kaming dalawa lang ang narito sa loob.

"Paano ka nga pala naging assistant manager? Puwede bang part-time job 'yan?" usisa ko.

Tumawa muna si Daniel bago sumagot.

"Ninong ko kasi ang may-ari nitong hotel. Sabi ko, kailangan ko ng raket na medyo malaki ang sahod. Tapos, ito binigay niya sa'kin."

Napaangat ang mga kilay ko. Puwede pala 'yon? Sa bagay, ninong naman niya 'yon.

Napansin kong mukhang mayayaman 'yong mga taong nakita't nakasalubong ko. Samantalang ako, halatang commoner lang.

Mayamaya ay bumukas ang elevator at lumabas si Daniel habang kasunod niya ako. Ilang sandali pa ay may kuwarto siyang binuksan.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now