CHAPTER 25: The Challenge

74 11 34
                                    

Sinugod ako ng isang kaklase kong lalaki sabay pumorma na ako ng atake. Paglapit niya ay pinilipit ko kaagad ang braso niya at hinawakan ang damit niya sa bandang kuwelyo sabay balibag sa kanya.

Napasigaw ang lalaki bilang pagdaing sa sakit na naramdaman niya. Dahan-dahan siyang tumayo at nakangiwi ang mukha niya habang nakahawak sa balikat niya.

Gano'n din ang ginawa ko sa iba ko pang kaklase na lalaki. At lahat sila gano'n ang sinapit.

"Oh, sino nang susunod?" tanong ko.

"Ikaw na!"

"H-Ha? Hindi, ah! Ikaw kaya."

"Ikaw na!"

"Ayaw ko nga!"

Uyu-uyuhan ng mga kaklase kong lalaki na natitira. PE class namin ngayon at tamang-tama dahil Aikido ang topic namin. Kaya naman lahat kami ngayon ay naka-karategi. Karategi ang tawag sa uniform na suot sa pagma-Martial arts. 'Yong ang pang-itaas ay long sleeve na puti na naka-overlap. Tapos pants din na puti at may telang belt na kulay itim.

Nakahawan ang mga upuan sa classroom sa tabi at may nakalatag na malambot at malaking mat sa gitna.

"Sir, ang unfair naman po. Bakit si Roma lang po ang nalaban sa girls? 'Di ba dapat lahat sila?" reklamo ng isang kaklase kong lalaki.

"Ayaw nga namin. Baka tsansingan niyo lang kami, ano!" sagot naman ng isang babae kong kaklase.

"Sir, ang unfair!" reklamo ng lahat ng boys.

Pinag-ekis ko ang mga braso ko habang seryosong nakatingin sa mga kaklase kong lalaki.

"Nakakatakot si Roma!"

"Halimaw siya, Sir!"

"Ayaw na namin ng Martial Arts kung si Roma lang din!"

Reklamo nilang lahat.

"Magtigil nga kayo. Kasama ito sa curriculum ninyo. Masusundan pa 'yan ng Jujitsu, Judo, at Taekwondo. Kaya be ready na lang," sabi ni Sir Manuel, ang PE teacher namin.

"Ayaw na namin, sir!"

"Bigti na tayo!"

"Mag-drop na lang tayo!"

"Tanga, hindi puwede 'yon!"

Pag-angal ng mga loko-loko. Napailing na lang ako. Hay nako.

Bumalik na ako sa grupo ng mga babae sa klase namin. Boys vs. girls kasi ang naging labanan ng klase. Kaso ayaw ng mga babae kaya ako na lang ang naging representative nila laban sa mga kolokoy naming boys sa klase.

Natatakot sila na baka samantalahin ng boys ang pagkakataon at mahipuan sila—at bilang babae rin ay naiintindihan ko sila sa parteng 'yon.

"Ang galing mo talaga, Roma!"

"Ang lakas mo saka ang cool pa!"

"Salamat sa pagtatanggol sa'min mula sa mga manyak na boys."

Papuri naman sa akin ng mga kaklase kong girls.

Nabigla ako nang abutan ako ni Mariya ng isang lollipop.

"Para sa'yo. Ang galing ng ginawa mo, Roma," aniya.

Si Mariya ang muse ng klase namin. At isa siya sa mga campus crush ng school namin.

Mga nasa 5'4" ang height niya, payat, maputi, chinita, at kulot ang mahaba niyang buhok. Halos lahat ng mga lalaki rito sa lower section ay may crush sa kanya. Para kasi siyang prinsesa o kaya anghel na bumaba sa lupa.

"Salamat," tugon ko sabay tanggap ng lollipop.

---

Last subject na namin at aawas na. Pero fifteen minutes na ang nakakalipas wala pa rin ang Oral Communication teacher namin.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now