CHAPTER 22: Confession

80 7 25
                                    

Sabado ngayon at walang pasok. The usual, nasa kuwarto lang ako at nagdo-drawing ng manga ko. Mayamaya lang ay napansin kong pumasok si Caden. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko siyang may bitbit na gitara. 'Yong acoustic guitar na kulay pula.

Umupo siya sa kama ko at mistulang tinotono ang gitara.

"Hoy, anong gagawin mo d'yan?" tanong ko.

"Malamang tutugtugin," sagot niya.

"Marunong ka?" tanong ko. Tumawa lang siya tapos ay ini-strum na niya ang gitara.

They say that love is forever
Your forever is all that I need
Please stay as long as you need

Nabigla ako sa narinig ko kaya't napahinto ako sa pagdo-drawing ko.

Kumakanta pala ang isang 'to? Magaan pakinggan ang boses niya, effortless at may pagka-raspy nang bahagya. Patuloy ko lang pinakinggan ang pagkanta niya habang natugtog siya ng gitara.

"Hey."

Natauhan ako nang tinawag niya ako. At doon ko lang din na-realize na tapos na siyang kumanta.

"Bakit?" tanong ko.

"Ningingiti-ngiti mo d'yan?" tanong niya habang natatawa.

"A-Ako? Nakangiti? Ungas mo. Feeling ka naman," sambit ko sabay ikot ng mata.

Nakangiti ba ako?

"Marunong ka pala maggitara at kumanta? Hindi halata," komento ko.

Natawa naman siya. "Grabe ka naman."

"Hmm. May naisip ako."

"Ano naman?" tanong niya.

"Haranahin mo kaya si Kiara? Feeling ko naman maa-appreciate niya 'yong gano'n,"

"Magaling din kumanta si Kiara. Ewan ko lang kung maa-appreciate nga niya,"

Singer din pala si Kiara? Wow naman. Maganda na, matalino pa, tapos multi-talented pa. Sana all. Siya ang definition of perfection.

Samantalang ako, music lover ako pero walang talent sa music. Lalong hindi rin ako dancer. 'Yon ang pinakaayaw kong gawin.

Siguro nang nagpaulan ng ganda, talino, at talent ang langit, nagtatampisaw si Kiara. Ako naman, naambunan lang.

Bigla namang may kumatok sa pinto.

"Pasok," sambit ko.

Iniluwa ng pinto si Chester.

"Hi, Roma," bati nito sa'kin.

"Chester."

Nabigla nang bahagya si Chester nang mapansin niya si Caden. Napansin ko naman ang pagseryoso ng mukha ni Caden nang tingnan niya ang kuya niya.

"Are you free today?" tanong sa'kin ni Chester.

Tiningnan ko muna si Caden na pinaniningkitan ako ng mata na para bang binabantayan niya 'ko kung may masama ba akong gagawin.

"Oo. Free ako ngayon. Bakit?" sambit ko.

"Nice! Well, gagala lang naman tayo. Game?" aniya.

"Sure."

"Oh, by the way." Tapos ay tumingin siya kay Caden.

"Tutal, nandito na rin naman si Caden, isama na rin natin siya," saad niya.

"Talaga?" tanong ko.

"Oo naman. Ayaw mo ba?" pagtataka niya sabay tawa.

"H-Hindi naman sa gano'n. Okay lang," sagot ko.

Under Our Starry SkyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt