CHAPTER 45: Burn the Night Away

49 6 20
                                    

Alas dyes na ako ng umaga nagising dahil wala akong pasok at weekend. Nagising ako dahil nahirapan akong huminga. Pagdilat ko, tumambad sa'kin si Yoru na nakahilata sa mukha ko malapit sa ilong at bibig ko.

Agad ko naman siyang inalis sa mukha ko at bumangon.

"Ano ka ba, Yoru? Ginigising mo ba ako o tinutuluyan mo na ako?" sambit ko.

Nag-meow lang ito sa'kin bilang sagot.

"Gutom ka na siguro, ano?"

Tumayo na ako at nag-inat-inat nang kaunti.

"Sige, pakakainin na kita."

Agad na akong pumunta sa cabinet na katabi ng closet ko. Sinalinan ko ang kainan ni Yoru at agad namang kumain ang alaga kong pusa. Tapos ay sinalinan ko rin ng tubig ang inuman niya.

"Ako naman ang kakain. Nagugutom na ako. Makababa na nga. Yoru, balikan kita rito mamaya, ha? Ilalabas kita," bilin ko sa pusa ko sabay himas sa ulo niya bago ako lumabas ng kuwarto.

Pagbaba ko ng hagdan ay napansin kong busy ang lahat ng kasambahay dito.

Pero nagderederetso na lang ako sa dining area at nakita kong may mga pagkain nang nakahain do'n kaya naman umupo na lang ako.

"Good morning, Miss Roma."

Tumingin ako sa bumati sa'kin at nakitang si Earl pala 'yon. Pagkatapos ay naglapag siya ng isang mug sa tabi ng plato ko. At nakita kong hot chocolate ito.

"Salamat," sambit ko. Ngumiti lang siya sa'kin at tumango.

"Nasaan nga pala 'yong mga boss niyo?" tanong ko sa kanya.

"Ah, si Master Caden ay pumasok na sa school kaninang ala siyete ng umaga. Si Master Michael naman ay busy dahil sa pagkakaalam ko, may pinaplano siyang launch party para sa bagong model ng cruise na ilalabas ng company," sagot ni Earl.

"Talaga? Okay." Tapos ay nagpatuloy lang ako sa pagkain ng tinapay, ham, at cheese.

"Si Master Chester naman po ay may sinusundo sa airport."

"Sinusundo? Sino?" usisa ko.

"Si Lady Aicelle po, ang nanay ng magkapatid."

Napataas naman ang kilay ko. Oo nga pala. Hindi ko nga pala nakikita ang mama nila rito sa bahay. Hindi ko naman naitatanong dahil hindi naman ako tsismosa.

"Kaya ba busy kayong lahat dahil darating ang asawa ni Sir Michael?" tanong ko.

"Opo, Miss Roma."

Tumango-tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

---

Ala una na ng hapon, pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako ng kuwarto dala si Yoru. May collar nga pala akong binili para sa kanya.

Kulay neon red ito at may maliit na bell na nakabitin sa leeg niya at meron ding metal tag kung saan naka-engrave ang pangalan niya at sa kabilang side naman nito ay ang contact number ko in case na maligaw siya at may nakapulot.

Paglabas ko ng mansyon ay napansin ko si Earl na ginagala si Miykal bago ako lumabas ng gate.

"Earl!"

Tumingin siya sa'kin, "Yes, Miss?"

"Puwede bang ako na lang maggala kay Miykal?"

Napataas siya ng kilay at napatingin siya kay Yoru na karga ko naman.

"Uh, pero Miss. May dala po kayong pusa. At ayaw po ni Miykal sa mga pusa. Isang beses nang ginagala siya ni Sunshine sa labas, nakakita siya ng pusa at hinabol niya ito. Nadala tuloy si Sunshine at nakaladkad. Kaya naman bukod sa magkapatid ay ako na lang din ang naglalabas kay Miykal," paliwanag ni Earl.

Under Our Starry SkyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora