CHAPTER 17: The Secret

92 7 33
                                    

Break time na rin sa wakas. Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang biglang may tumawag sa'kin.

"Roma!"

Tumingin ako sa gawing pintuan. Nakita ko sila Josephine at kinawayan nila ako. Tumayo naman ako para lapitan sila.

"May long quiz tayo bukas sa Filipino," sambit ni Josephine.

"Ah, oo. Kami rin," tugon ko. Pareho lang kami ng Filipino teacher, si Mrs. Maranan na adviser din namin.

"May naisip ako!" sambit naman ni Jeyra na kinagulat namin.

"Ano 'yon?" tanong ni AJ.

"Mag-review tayo kila Roma," suhestiyon niya.

Nagtinginan naman kaming lahat. Silang tatlo naman ay tinititigan ako na parang nagpapaawa na pumayag ako.

"Okay. Fine. Sa'min tayo mamaya," sagot ko.

Ngumiti naman sila. "Yes! May review na, may gala pa!" Natawa na lang ako sabay kamot sa batok ko. Hindi ko rin naman sila magawang tanggihan.

"Roma!"

Napalingon kami sa tumawag sa'kin. Napataas ang kilay ko habang siya naman ay nakangiti habang kumakaway sa'kin.

"Sino naman 'yang pogi na 'yan, Roma?" usisa ni Josephine.

"Si Chester, kuya ni Caden," sagot ko. Pinandilatan nilang lahat ako ng mata.

"Hi," bati niya sa'kin nang makalapit siya. Nabaling naman ang atensyon ng mga kaibigan ko sa kanya.

"Oh, Chester. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"I'm here because I wanna see you. Can we talk?" tanong niya.

Napaisip naman ako sandali. "Sige," sagot ko.

Napangiti naman siya. "Great! Let's go?"

Tumingin ako sa mga kasama ko. "Sandali lang, ha?" Tapos ay sumunod na ako kay Chester palabas ng gate ng school.

Paglabas namin ay umupo ako sa bench na katabi ng school. Habang si Chester naman ay nagpaalam na may kukunin lang daw sa kotse niya.

Pinagsu-sway ko ang mga paa ko na hindi nakalapat sa lupa habang nakatingin din dito.

"Coffee?" Napaangat ako sa nagsalita.

Ngumiti ako at tumango sabay tinanggap ang inaabot niyang kape na nasa disposable cup.

"Be careful. It's still hot," paalala niya matapos niyang umupo sa tabi ko.

"So, anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Actually, wala naman talaga. Gusto lang talaga kitang makita," aniya tapos ay humigop siya ng kape.

"Wala ka na bang pasok ngayon?" tanong ko.

"Meron. Vacant lang," sagot niya.

"Teka, bakit hindi ka na lang sa UP nag-aral? Para mas malapit."

Tumawa siya nang pagak. "I didn't pass the entrance exam."

"Oh. Okay."

"Caden is a lot smarter than me. He even aced that entrance exam. Nag-top three siya sa buong course," kuwento niya.

Nandilat naman ang mga mata ko dahil do'n. Gano'n pala katalino ang kumag na 'yon?

Sandaling katahimikan ang namagitan sa'min nang magsalita siya ulit.

"So, let's talk about your arranged marriage with my brother. Willing ka ba talagang magpakasal sa kanya?" tanong niya.

Ibinaba ko ang kapeng iniinom ko pagkatapos ay huminga ako nang malalim. "Wala talaga akong plano mag-asawa. Lalo na't bata pa ako. Ang motto ko sa ngayon ay study and career first. 'Yon talaga ang gusto kong pagtuunan ng pansin sa ngayon. Alam mo naman siguro 'yong dahilan kung bakit kami magpapakasal, 'di ba?"

Under Our Starry SkyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu