CHAPTER 64: Hold Onto Me

46 6 16
                                    

Nasa parlor na ako ngayon. 'Yong glam team ni Greg ang nag-aayos sa'kin. Nasa isang parang dressing room ako at nakaharap ako sa salamin na napapalibutan ng mga ilaw. Tapos kaharap ko ay isang table na puno ng makeup at pang-ayos sa buhok.

Inaayusan na nila ako habang si Caden naman ay hinihintay ako sa labas.

Una nilang pinahiran ang mukha ko no'ng kulay puting bagay na tinatawag nilang face primer. Tapos nilagyan na nila no'ng liquid foundation 'yong mukha ko. Pinahiran din nila ng concealer 'yong ilalim ng mata ko saka 'yong ilalim ng kilay ko.

Pagkatapos ay sinundan na nila ng iba pang kolorete gaya ng eyeshadow, mascara, foundation powder, blush on, at lipstick.

Habang nilalagyan nila ako ng makeup ay hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay. Iniiisip ko na sana matapos na 'to agad.

Nang matapos sila sa makeup ay sinunod nila ang buhok ko. B-in-lower muna nila ito tapos ay pinlantsa. Mayamaya ay tinanggal na nila 'yong rollers sa bangs ko at inayos ito saka nilagyan ng kaunting hairspray.

"Tapos na po, Ma'am," sabi bigla ng isa sa mga babaeng nag-ayos sa'kin.

Tinitigan ko pa nang mabuti ang sarili ko sa salamin. Pinlansta lang talaga nila 'yong buhok para maging tuwid na tuwid ito. Tapos 'yong bangs ko, nilagyan lang daw nila ng ilang spray ng hairspray para hindi siya magulo.

Hindi rin naman OA ang pagkaka-makeup nila sa'kin. Mukhang natural lang din ang hitsura. Natural ang pagkakaayos ng kilay ko. 'Yong eyeshadow, peach at beige lang ang kulay. Ang galing din ng pagkakalagay nila ng mascara at eyeliner sa mata ko.

Manipis lang 'yong eyeliner sa bandang eyelids, tapos hindi na raw nila ako ginamitan ng false lashes dahil kinaya na ng mascara 'yong eyelashes ko dahil natural daw itong mahaba. Hindi rin makapal ang blush on. Sakto lang. At 'yong lipstick naman, pinkish red lang ang kulay.

Hindi ko mapigilang titigan ang sarili ko sa salamin. Ako ba 'to? Mukhang okay din naman pala ang hitsura ko kapag nakaayos nang ganito.

Suot ko na rin naman 'yong dress na pinili ni Caden at Greg sa'kin. Kulay pastel orange ito na square neck na sleeveless. Fitted ito sa katawan at pencil cut ang palda nito na lampas tuhod na may konting slit na hanggang hita. Naka-two-inch heels din ako at hindi ako sanay magsuot ng ganito pero kailangan kong tiisin.

Tumayo na ako sa salon chair at nagpasalamat kay Greg at sa glam team niya bago ako lumabas ng dressing room.

Nandito kasi kami sa salon na pagmamay-ari rin nina Ms. Annalie. Nadatnan ko naman si Caden na nakaupo sa couch sa waiting area ng salon.

"Hoy," tawag ko sa kanya.

Pagtingin niya sa'kin ay napatayo siya at tinitigan niya ako mula paa hanggang ulo. Medyo awkward na dahil kanina pa siya nakatitig sa'kin nang hindi kumukurap at hindi nagsasalita.

"O-okay lang ba?" nahihiya kong tanong.

"Yeah, of course. Perfect," sagot ni Caden tapos ay ningitian niya ako.

Naka-brush up ngayon ang buhok niya na may konting hibla pa rin ng buhok na nakalaglag. Naka-tuxedo siyang itim, tapos 'yong long sleeve na panloob niya ay kulay azure blue, samantalang ang necktie niya ay kulay navy blue.

Bumagay sa kanya 'yong suot niya dahil sakto lang 'to sa build ng katawan niya.

"Salamat. Ikaw naman, mukha kang tao," sambit ko.

Napahalakhak naman siya, "Really? Is that your way of telling me that I look handsome?"

Tinawanan ko lang ang sinabi niya.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now