LAST CHAPTER: Forever Yours

45 4 12
                                    

"Miss Roma?"

May naririnig akong nagsasalita. Boses babae.

"Miss Roma, gising na po!"

Parang nagmamakaawa siyang magising ako. May nararamdaman din akong nayugyog sa balikat ko.

"Miss Roma!"

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Agad namang bumungad ang mukha ni Sunshine. Nauna pa sa sinag ng araw.

"Miss Roma, gising na po. Male-late na po kayo," makaawa niya sa'kin.

"Bakit ba? Anong oras na ba?" tanong ko.

Kinuha ko kaagad ang phone ko sa bandang ulunan ko. Nanlaki ang mga mata ko sabay balikwas.

"Mag-aalas diyes na?!" pagkabigla ko.

"Sabi ko naman sa inyo, Miss Roma, eh. Naku ako ang mapapagalitan niyan kapag na-late kayo," aligaga niyang sabi.

Agad akong tumayo mula sa kama ko. Agad-agad akong naghilamos sa banyo. Trenta minutos na lang at alas diyes na.

Ayaw kong mahuli sa sarili kong kasal!

Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo sa banyo ng tinutuluyan kong hotel room, lumabas agad ako para harapin si Sunshine.

"Nandiyan na ba sila Greg?" tanong ko kay Sunshine.

"Opo. Nandiyan na po sila sa labas. Naghihintay sa inyo," sagot niya.

Nag-rent kami ng hotel na malapit sa venue ng kasal namin ni Caden. Garden wedding ang naisip namin. Sa isang malaking social garden gaganapin ang wedding ceremony.

Paglabas ko naman sa sala ng hotel room ko ay nadatnan ko na ro'n ang glam team ni Greg. Sila ang mag-aayos sa'kin ngayong kasal ko. Ready na ang lahat ng kagamitan. Ako na lang talaga ang kulang.

"Miss Roma!" salubong sa'kin ni Greg.

"Mabuti nama't nagising na kayo. Upo na po kayo rito," sambit niya. Sinunod ko nga ang sinabi niya. Umupo ako sa wooden stool sa harap ng salamin.

At sinimulan na nga akong ayusan ng team ni Greg—hair and makeup. At habang inaayusan nila ako, kumakain ako ng chopped mixed fruits na hinanda ni Sunshine para sa'kin.

"Ten years na agad ang lumipas, Miss Roma. I can still remember no'ng una kitang inayusan. And I'm so happy na ako ang kinuha niyong makeup artist sa wedding niyo ni Sir Caden," ani Greg habang mine-makeup-an ako.

Tama, sampung taon na kaagad ang lumipas mula nang umuwi rito si Caden galing Germany. 'Yong pangyayaring akala ko, mauuwi lang sa wala ang relasyon namin.

Naka-graduate na kami ni Caden sa college sa parehong university. Nauna lang siya ng two years sa'kin. Nagtapos din siya with flying colors—Magna Cum laude.

Sana all, 'di ba?

Ako naman, basta passing at naka-graduate, okay na 'yon.

Si Caden na ang nagma-manage ng business at assets nila rito kapalit ng tatay niya. Samantalang ako naman ay assistant secretary sa Dean's Office sa university.

Hinihikab naman ako habang inaayos nila ang buhok ko.

"Inaantok pa kayo? Don't worry, matatapos na po tayo," sambit bigla ni Greg. Napansin niya sigurong kanina pa ako hikab nang hikab. Inaantok pa talaga ako.

"Sorry, ha? Inaantok pa kasi talaga ko," tugon ko.

Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin. Fresh look lang ang makeup ko. Pink lipstick, pati blush-on, tapos natural length and curls sa eyelashes ko, peach naman ang eyeshadow ko. May tawag sila sa makeup style na 'to, eh. Angelic makeup style yata 'yon.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now