PROLOGUE

143 8 3
                                    

Tinatamad akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Ngayon kasi ako lilipat sa bahay ng mga Morgenstern. Muntik ko na 'tong makalimutan.

"Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" bulong ko sabay buntonghininga.

"Ate!"

Napatingin ako sa pumasok sa kuwarto ko. Mga kapatid ko pala.

"Kailangan mong tulong, Ate?" alok ni Reine.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit parang masaya ka pa na aalis ako?" tanong ko.

"Hindi naman sa gano'n," nakanguso niyang sabi.

Inirapan ko lang siya sabay iling at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

Dadalhin ko lang na mga damit ay 'yong mga ginagamit ko lang palagi. Mga paborito kong libro, anime DVD's, at drawing materials ko.

"Ate, mayaman nga 'yong mapapangasawa mo?" usisa naman ni Rayver.

"Wala akong paki," matamlay kong sagot.

"Sumulat ka, Ate ha?" natatawang sabi naman ni Ryler.

Ningitian ko siya nang pilit sabay irap.

"Nandito lang ba kayo para asarin ako, ha?" tanong ko.

"Hindi. Sabi kasi ni Mama bilisan mo raw. Kasi anytime pupunta na 'yong sundo mo galing sa mga Morgenstern," sagot ni Reine.

"Pambihira," tanging sagot ko na lang.

"Anak, andyan na 'yong sundo mo," sabi ni Mama na biglang dumungaw sa pintuan.

Nagmadali na akong isalpak sa maleta ko ang mga natitira ko pang gamit. Pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas dala-dala ang mga ito.

Isang travel bag, dalawang maletang bag at 'yong school bag ko.

Paglabas ko sa sala ay may nakita akong lalaking nakatayo sa pintuan namin.

Matangkad siya na mukhang nasa 5'11 ang taas, naka long sleeve polo siya na puti, vest na grey, at naka-necktie rin na itim, slacks at sapatos na itim.

Maamo rin ang mukha niya. Hugis almond ang mga mata niya, matangos ang ilong, at bahagyang makipot ang mga labi. Kayumanggi rin ang kulay niya, katamtaman ang pangangatawan, at maganda ang tindig.

"Kumusta. Ako po si Earl, ang personal butler ni Master Caden at ako po ang napag-utusan ni Master Michael na sunduin ka, Miss Roma," magalang niyang sambit sabay yuko.

"Ang pogi ng butler," bulong ni Reine at siniko ko naman siya.

Nilapitan niya ako at dinala ang mga bagahe ko palabas ng bahay. Kasunod lang ako ni Earl habang kasunod ko naman ang mga kapatid at magulang ko.

Tumambad naman sa amin ang isang mamahaling sasakyan na kulay itim na naghihintay sa labas. Doon sinakay ni Earl ang mga gamit ko.

"Mag-iingat ka ro'n, anak ha," sambit ni Papa at para namang tinusok ang puso ko nang mapansin kong maluha-luha ang mga mata niya.

"Tatawag ka ha?" sambit pa ni Papa at pasimpleng nagpunas ng mga mata niya.

"Opo, Papa."

Wala naman kaming choice sa ngayon. Ayaw na kaming pakawalan ni Michael. Sa bagay, hindi rin namin siya masisisi. Tatlong dekada na rin siyang tinatakasan ni Papa.

"Tara na po, Miss Roma," sambit ni Earl habang hawak ang nakabukas na pinto ng kotse at hinihintay akong sumakay.

"Sige na, anak. Tawag-tawagan ka na lang namin," sambit ni Papa.

Tumango lang ako at sumakay na ako sa sasakyan. Pagsara ni Earl sa pinto ay sumakay na rin siya sa driver's seat.

Kumaway sa'kin ang pamilya ko habang nagpapaalam. Tanaw ko sila mula sa side mirror ng sasakyan hanggang sa maglaho na sila.

Under Our Starry SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon