CHAPTER 32: That Should Be Me

76 4 29
                                    

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng school. Cleaners pa kasi sina AJ at Jeyra. Tapos 'yong magjowa na Evan at Josephine naman ay may lakad na kanila. May date siguro.

Naalala kong wala na pala akong drawing pencil at eraser. Kaya naman pumunta ako sa bookstore na malapit sa school.

Pagdating ko sa bookstore ay nagpunta kaagad ako sa section ng mga pens and pencils. Hinanap ko kaagad 'yong type ng drawing pencil na gamit ko. Type 3B tapos isang pencil eraser.

Nang makuha ko na ang mga ito ay pumunta na 'kong counter at binayaran ang mga ito.

Habang naglalakad ako sa sidewalk ay napahinto ako nang makita kong lumabas si Chester ng isang café na malapit lang sa kinatatayuan ko. Bukod do'n, may kasama siyang babae.

Matangkad lang nang kaunti sa akin ang babae. Hanggang balikat ang buhok nito na kulay light brown. Bilugan ang mga mata nito na may mahahabang pilik, matangos ang ilong at medyo naka-pout ang lips na may pulang lipstick.

Nakasuot ito ng sexy na pulang dress. Backless ang dress kaya't litaw ang makinis na likod nito. Low neck din ito kaya't medyo kita ang cleavage ng malulusog nitong dibdib.

Spaghetti strap ang dress kaya't litaw ang makikinis na braso ng babae. Hanggang hita ang haba ng dress na fit sa katawan kaya't litaw ang makikinis na legs nito at ang mala-hourglass na hugis ng kanyang katawan. Black stilettos naman ang suot nito sa paa.

"Ang ganda at sexy naman ng babaeng kasama ni Chester," sambit ko sa sarili ko.

Nag-uusap ang dalawa na mukhang seryoso habang nakalingkis ang babae sa braso ni Chester. Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang sunggaban ng babae ang mga labi ni Chester.

Napaisip tuloy ako kung sino 'yon. Girlfriend niya? Pero wala naman siyang binabanggit. Isa pa, lagi niyang pinaparamdam na gusto niya ako.

Napakibit-balikat na lang ako.

---

Nasa kuwarto na ako suot ang pambahay kong t-shirt at pajama. Nasa study table ako pero nakatutok lang ako sa phone ko at scroll nang scroll sa Facebook.

Habang may engot naman na prenteng nakabulagta sa kama ko habang nagse-cellphone din. Hiyang-hiya naman ako sa kanya na agawin sa kanya 'yong kama ko.

Sumagi naman bigla sa isip ko 'yong sinabi sa'kin ni Daniel tungkol sa pamilya ni Caden.

"Caden?"

"Honey?"

Napapasinghap ako sa tuwing tinatawag niya 'kong ganyan. Kaya minsan pinipilit ko na lang baliwalain.

"German ba talaga ang lolo mo?" tanong ko.

Natuon naman ang atensyon niya sa'kin.

"Yes. Pure blood German si Lolo Samuel," sagot niya.

"So. . .ibig sabihin half-German si Sir Michael at kayo naman ni Chester ay dual citizen?" tanong ko pa.

"Yes, technically. May dual citizenship kami ni Kuya Chester. We are born and raised in Germany and living here in the Philippines," sagot niya.

"Paanong nangyaring Pinay ang napangasawa ng lolo mo?" tanong ko.

"Lolo Samuel visited here just for a vacation when he met Lola Rosella. Maria Rosella Lacson is an epitome of beauty and daughter of a congressman and a haciendera. When they got married, they lived in Germany and had three kids," kuwento niya.

"So, may dalawa pa palang kapatid si Sir Michael."

"My dad was the middle child. Uncle Matteo was the eldest and Aunt Patricia was the youngest. Lolo Samuel sent Dad here in the Philippines to study college, and to manage our properties and business affairs here, until he met Mom. After they graduated, they got married and had their honeymoon in Germany. Then they had us. Our parents brought us here when I was seven," kuwento pa niya.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now