CHAPTER 10: Kidnapped?!

90 8 34
                                    

Nasa klase ako ngayon pero lumilipad ang isip ko. Paano ba naman kasi? Hindi ko makalimutan 'yong araw na 'yon.

Ang araw na binasa ni Caden ang mga manga na ginagawa ko. Alam ko namang nagustuhan niya. At dahil nga doon, halos araw-araw naman niya akong kinukulit kung may na-update na ba raw ako sa mga manga ko. Medyo nakakairita na kaya.

Hindi ko pa tapos gawin 'yong isang chapter ng isang manga na binasa niya. Kaya paano ko naman 'yon ipapabasa sa kanya? Hay nako.

At no'ng recess naman ay nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa likod ng library para kumain na parang nasa isang picnic.

Nang uwian naman ay sumabay ako sa mga kaibigan ko palabas ng school. Sa gate pa lang ay may tumawag na sa'kin.

"Cassandra!"

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. "Caden?"

"Uy! Sinusundo siya ni boyfie!" pang-aasar ni Phine sabay hagikhik.

Tumakbo sa Caden papalapit sa'min. Pero bakit parang may kakaiba?

"Cassandra..." sambit niya pagkalapit niya sa'min at hinihingal pa.

"Sumama ka sa'kin, please," pakiusap niya. Para talagang may kakaiba rito, eh. 'Yong reaksyon kasi ng mukha ni Caden. . .

"Sige na. Kunin mo na ang kaibigan namin. Alam naming na-miss ninyo ang isa't isa," ani Phine.

Tinanguan lamang ni Caden ang mga kaibigan ko tapos ay bigla niya kong hinila sa braso papunta sa sasakyan niya.

"Ano ba 'yon, ha?" usisa ko. Mukhang takot si Caden at nag-aalala.

"Cassandra, please help me. Hindi ko na alam ang gagawin ko," sambit niya na mukhang natataranta.

"Caden, kalma lang. Sabihin mo muna sa'kin ang lahat, okay?"

"Ganito kasi 'yon. Kaninang lunch break, may tumawag sa'kin. Makipagkita raw ako sa kanya sa café na katapat ng university. May sasabihin raw siya tungkol kay Kiara. And so, I did. Isa siya sa close friends ni Kiara at kasamahan sa dance org ng university. Nag-sleep over sila last night sa bahay nila kasama ang mga girl-friends nila. Pero, may nangyari," kuwento niya.

"O, anong nangyari?" tanong ko.

"Pinasok sila bigla ng tatlong hindi kilalang mga lalaki. Puro babae lang sila do'n kaya wala na silang nagawa dahil sa takot. At sa kanilang lahat, si Kiara lang ang tinangay ng mga lalaki!" patuloy niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Pero bakit? Paano? Nag-report na ba kayo sa mga pulis?" usisa ko.

"'Yon na nga rin ang isa pang problema. Binalaan silang huwag magsusumbong kahit kanino, sa pulis o kahit sa pamilya ni Kiara. Kasi sasaktan daw nila si Kiara pag nagkataon. Dahil hindi na nila alam ang gagawin, sa akin sila nagsabi para na rin humingi ng tulong," paliwanag niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kahit hindi ko kilala si Kiara sa personal, nag-aalala rin ako para sa kanya.

"I'm scared and panicking right now. I don't know what to do. I won't forgive myself if there's something bad happened to Kiara," saad niya na animo'y papaiyak na ang kanyang boses.

"E paano 'yan? Hindi ba hinahanap si Kiara ng parents niya?" usisa ko.

"Hindi. Ako na ang kumausap sa parents niya. Sabi ko okay lang si Kiara. After ng sleep over, dumeretso na siya ng pasok sa school," sagot niya.

Napabuntonghininga ako. "O paano 'yan? Kilala niyo ba kung sino ang kidnapper?" tanong ko.

"Oo. Siya ang kinatatakutang delinquent ng university. Anak kasi siya ng isang Yakuza boss. Si Resty Yamamura," sambit niya.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now