CHAPTER 50: Love is Stupid

42 5 27
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kaya bumangon na kaagad ako kahit inaantok pa ako. Nag-inat-inat muna ako at kinusot ang mga mata ko saka kumuha ng towel at pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ng halos trenta minutos ay nagbihis na ako ng uniform at nag-ayos. Nakita ko namang natutulog pa si Yoru sa kanyang tulugan kaya nilagyan ko na lang ng pagkain at tubig ang kanyang pakainan bago lumabas.

Paglabas ko ay bumaba na ako sa dining area. Pero nasalubong ko si Caden.

"Good morning, honey," bati niya sa'kin nang nakangiti.

"Aga mo yatang gumising," sambit ko.

Ala siyete pa lang kasi ng umaga. Ang alam ko, ang karaniwan niyang gising ay alas nuebe.

"Well, I want to join you in breakfast. And, send you to school," sagot niya.

Tapos ay nauna na siyang pumunta sa dining area at siya namang sunod ko.

"Good morning, Young master. Miss Roma," bati naman sa'min ni Earl.

Ningitian lang namin siya sabay tango at umupo na puwesto namin.

Magkaharap ang puwesto namin sa mesa. Pinauna niya muna akong kumuha ng pagkain bago siya.

At habang kumakain na kami ay biglang sumagi sa isip ko 'yong nangyari sa'min no'ng gabi ng Feb Fair.

"I'm asking you to be my girlfriend."

Napabuntonghininga ako. Hindi ako pinatulog ng tanong na 'yon kahit pa sinabi niya ring willing siya maghintay.

Buti na lang wala kong pasok no'n kinabukasan.

"Roma."

Natauhan ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Oh?" tugon ko.

"What's with that face? Ayaw mo ng pagkain?" usisa niya.

"Ah, hindi. Hindi sa gano'n. May naalala lang ako."

"Ah. What is it?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ha?"

"If it bothers you that much, you can spill it."

Nakatulala lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Care to tell me? You can tell me anything."

"Ah, wala. Naalala ko lang na may quiz pala kami ngayon," palusot ko.

"Hmm, okay." Tapos ay tumango-tango siya.

---

Inihatid nga ako ni Caden sa school at nakarating kami ng saktong 7:30 ng umaga.

Bababa na sana ako matapos niyang ihinto ang sasakyan. Pero tinawag niya ang pangalan ko.

"Roma."

"Ano 'yon?"

"Susunduin din kita mamaya. Wait for me, okay?" sambit niya.

Tumango naman ako. Pagkatapos ay ngumiti naman siya.

"See you later," aniya bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Pagpasok ko ng school ay dumeretso na ako sa classroom ko. Wala pang teacher pagdating ko at umupo na ako.

Napansin ko naman ang kumpulan ng ibang mga babae sa kabilang upuan. Tapos ay napakunot ang noo ko. Ano 'yon? Maaga pa para sa isang open forum.

"Kawawa naman si Shaina." Narinig kong sabi ni Cheska mula sa likod ko.

"Oo nga. Nag-break kaagad sila ni Kenneth. Parang no'ng Valentine's lang, may pa-flowers at chocolate pa. Maghihiwalay din naman pala." Narinig ko namang sabi ni Mariya.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now