CHAPTER 42: How I Feel

56 7 17
                                    

"Heto na ang huling araw ng practice niyo. So, good luck sa magiging performance niyo bukas," sambit ni Ate Melissa.

Lahat kami ay hingal na hingal habang mga nakatayo sa gitna ng bakanteng lote na pinagpapraktisan namin ng halos isang buwan na.

Tirik na tirik pa ang araw na lalong nakapagpadagdag sa banas na nararamdaman namin na nagdudulot ng pagpatak ng mga pawis namin.

"One hour break. Tapos practice ulit. At last na 'yon," dagdag pa ni Ate.

Pagkatapos ay nagsisilong kami sa garahe ro'n at nag-inuman ng tubig. Pumasok naman ng bahay nila sina Ate Melissa at Mirabel.

"Hay salamat! Tapos na rin ang puspusang practice!" sambit ni Stacey.

"Oo nga. Matatapos na rin ang paghihirap natin," saad naman ni Pia.

"Pero bukas na ang moment of truth. Kinakabahan ako," ani Jessie.

"Speaking, kumusta nga pala 'yong costumes na nahiraman niyo?" tanong ko naman.

"Ah. Huwag kang mag-alala, Roma. Kukunin ko na 'yon mamaya. Tapos distribute ko na lang bukas sa school," sagot ni Pia.

Si Pia kasi ang nag-volunteer para manghiram ng costume na gagamitin ng girls sa sayaw. May kaibigan daw kasi siya na sumasayaw ng ballroom sa mga program sa fiesta. Hindi pa namin nakikita 'yong costume kaya wala akong idea sa hitsura no'n.

Isa pa, pambabae lang naman ang hihiramin niya. Sa lalaki kasi, madali lang. Slacks at long sleeve polo lang, puwede na.

"Nababanyo ako. Puwede kayang makiihi kina Mirabel?" sambit ko. Wrong timing naman 'tong pantog ko. Ngayon pa talaga?

"Oo. Pasok ka lang diyan sa bahay nila at tawagin mo si Mirabel tapos magsabi ka sa kanya," sabi ni Pia.

"O kaya kay Ate Melissa kapag siya ang nakita mo," sabi naman ni Jessie.

Napaisip ako. Ayaw ko sanang si Ate Melissa ang maabutan ko. Ewan ko ba. Parang naiilang ako sa presensya niya. Parang pakiramdam ko ayaw niya sa'kin?

Napapansin ko na 'yan tuwing practice pero hindi ko lang masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Naglakad na ako patungo sa bahay nila Mirabel dahil katabing-katabi lang naman ito ng bakanteng lote. Maliit lang ang bahay nila na gawa sa semento at kahoy.

Sumilip muna ako sa pinto kung may tao. Maliit na sala nila ang bumungad sa'kin. Gawa sa kahoy ang sala set nila tapos may maliit na flat screen TV.

"Mirabel?" tawag ko.

Nang makita kong walang tao ay pumasok na ako. Hahanapin ko muna si Mirabel para magpaalam.

Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang makita ko silang mag-ate sa kusina. Lalapitan ko na sana sila pero nagpasya muna akong huminto sa gilid ng pader nang marinig ko ang pangalan ko.

"Ano ka ba, Ate? Boyfriend na ni Roma 'yon." Narinig kong sabi ni Mirabel.

"Boyfriend pa lang naman, Bel. Hindi pa sila mag-asawa. Kaya puwede ko pang agawin si Caden," sambit naman ni Ate Melissa sabay tawa.

"Ewan ko sa'yo, Ate. Kapatid kita, pero hindi ko suportado ang iniisip mong pang-aagaw ng jowa nang may jowa," sagot ni Mirabel.

Natawa si Melissa, "Lukaret ka talaga! 'Di hamak naman na mas maganda ako sa Roma na 'yon, ano? Sayang naman ang kapogian ni Caden kung sila lang magkakatuluyan."

"Ate, matalino si Roma. Cool din siya, saka mabait. Kaya, hindi mo rin masisisi kung bakit nagustuhan siya ni Caden."

"Kapatid ba talaga kita, ha?"

Under Our Starry Skyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें