CHAPTER 11: The Rescue

87 10 38
                                    

Patuloy lang sa pagda-drive si Caden at tingin ko mga nasa kalahating oras na kami sa daan. Nasa loob na kami ngayon ng isang villa na mukhang gaya rin ng kina Caden na puro mayayaman lang ang nakatira. Tahimik ang paligid at mukhang kami na lang ang nasa labas.

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya bigla.

Hindi ako umimik. Bagkus ay napalunok na lang ako.

"Ayos lang 'yan," sambit pa niya.

Sino ba namang hindi kakabahan, 'di ba? Susugod kami sa bahay ng isang yakuza? Paano kung may mangyari sa aming masama roon? Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay!

"Narito na tayo," aniya tapos ay inihinto niya ang sasakyan. Lalong tumindi ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

Nauna siyang bumaba at mayamaya lang ay bumaba na rin ako.

"'Yan ang bahay niya," saad niya sabay turo sa isang mansion na katapat namin na may mga nagtataasang mga bakod at gate na gawa sa bakal.

"Paano naman tayo papasok diyan?" usisa ko habang tinitingala ang napakataas na bakod sa harap ko.

Tumingin sa'kin si Caden at ngumiti. "Para saan pa 'tong disguise natin, 'di ba?"

Malaki ang bahay ni Resty at traditional Japanese-style ang mansyon nito.

"Ganda ng bahay niya," sambit ko.

"Sus, 'di hamak na mas maganda diyan ang mansion namin, 'no," pagkontra naman ni Caden.

Pinungayan ko siya ng mata sabay ngiwi. Pati sa bahay, kailangan competitive?

"O ano? Tara na?" aya ko.

"Teka lang," aniya sabay hila sa braso ko.

Bigla siyang may dinikit sa ilalim ng ilong ko.

"Ano 'to?" pagtataka ko.

"Obvious ba? E 'di pekeng bigote," sagot niya.

Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin ng kotse.

"Ayaw ko nito, Caden! Para akong may toothbrush sa ilalim ng ilong!" angal ko.

Natawa siya, "Okay lang yan. Hindi ka kasi mukhang lalaki, eh. Kaya nilagyan kita ng bigote."

"Teka, nang-aasar ka ba?" inis kong tanong.

"Halika na," sambit niya sabay hila sa braso ko.

"Ayaw ko nga nito!"

Pag-doorbell namin sa gate ay may dalawang yakuza na sumalubong sa'min.

"Sino kayo, ha?" maangas na tanong sa'min ng isa. Malaki ang katawan niya, singkit, at kalbo.

"Kami po 'yong mga butler na nag-apply na pinadala ng agency," sagot ni Caden.

Nagtinginan 'yong dalawang gangster.

"Parang wala namang nabanggit si Boss tungkol dito," sambit nong longhair na balabas-sarado na malaki rin ang katawan.

Mayamaya lang ay may isa pang dumating.

"Anong meron dito?" tanong nito. Lalaking malaki rin ang katawan at kamukha ni Paquito Diaz. Kilala niyo ba 'yon? Siya 'yong bigotilyong kontrabida sa mga FPJ films.

"Bossing, sila raw 'yong mga bagong hired na butler mula sa agency. May nabanggit ba si Master tungkol dito?" tanong ni kalbo.

Tinitigan kami nong tinawag nilang 'boss' na parang kinikilatis kaming mabuti. Kinabahan ata ako sa pagtitig ng isang 'to, ah.

"Oo. Nagpa-hire nga si Master ng mga butler mula sa agency. Sige, tuloy kayo," sambit niya.

Nang nasa loob na kami ay lalo kong nakita ang ganda ng bahay nila Resty. Napakalaki at napakalawak ng lupain nila na naka-landscape at ang mismong mansyon ay parang tirahan ng isang maharlikang Japanese.

Under Our Starry SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon