CHAPTER 60: The Favor

44 5 8
                                    

Sabado ngayon kaya naman wala akong pasok. Nagdo-drawing ako ngayon sa study table ko. Tanghali na rin naman pero wala na rin akong pakialam sa oras.

Habang si Yoru naman ay nasa ilalim ng table ko at busy na naglalaro ng bola niyang gawa sa tela. Napakain ko na rin naman siya.

"Buti pa ang pusang 'to. Kain, tulog, at laro lang ang alam," saad ko sa sarili ko sabay tawa.

Ilang sandali lang ay may narinig akong kumatok.

"Pasok!"

At iniluwa ng pinto si Manang Rosa.

"Kakain na po, Miss Roma. Handa na po ang tanghalian," sambit niya matapos niyang lumapit sa'kin.

"Sige po, Manang. Susunod na ako."

Aalis na sana siya nang magsalita ako ulit.

"Uhm, Manang."

Lumingon siya sa'kin, "Yes, Miss?"

"Si Caden po ba? Anong oras po siya uuwi?" tanong ko.

Napaisip siya sandali bago sumagot, "Mayamaya po siguro. Pero Miss Roma, huwag niyo na siguro siyang hintayin dahil matatagalan pa po siya nang kaunti."

"Gano'n ba. Sige po, salamat. Bababa na po ako," sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin at tuluyan na siyang umalis.

Sa totoo lang, hindi ko na inalam pa ang schedule ng pasok niya. Ayos lang naman sa'kin 'yon. Ang mahalaga para sa'kin ay ang honesty niya. Isa pa, alam ko lang half-day ang pasok niya tuwing Sabado.

Tumayo na rin ako at naglakad palabas ng silid. Pagbaba ko ng hagdan ay dumeretso na ako sa dining area. Nadatnan ko ro'n sina Manang Rosa, Earl, at Sunshine.

Ningitian nila ako bilang pagbati kaya't ngumiti rin ako pabalik saka umupo.

"Si Sir Michael?" usisa ko.

"Nagpahatid po siya ng pagkain sa home office niya. Busy po yata si Master Michael," sagot ni Earl.

"Hmm. Okay."

Cordon bleu at cream mushroom soup ang ulam. Nakahain na ang parte ko sa ulam kaya't kukuha na lang ako ng kanin. Pagkatapos kong kumuha ng kanin na sapat lang para sa'kin ay nagsimula na akong kumain.

---

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa hagdan para bumalik sa kuwarto ko at makaligo. Napahinto naman ako nang mapansin ko 'yong isang corner dito sa hallway na puno ng photos, awards at certificate.

Nilapitan ko ito at napaangat ang mga kilay ko nang mapansing si Caden ang mga nasa picture. Mukhang kuha ito mula sa mga events sa school mula grade school siya. At 'yong mga award at certificate, sa kanya rin nakapangalan.

"Miss Roma?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Earl." Tapos ay nilapitan niya ako.

"Parang ngayon ko lang napansin ang corner na 'to."

"Gano'n po ba? Pero matagal na po 'yan diyan."

Gano'n? Siguro hindi ko lang napapansin noon dahil hindi ako interesadong maglibot sa bahay na 'to.

"Mukhang achiever nga siya mula grade school. At ang cute ng grade school pictures niya," saad ko.

"Achiever po talaga si Master Caden mula bata. Nakitaan siya ng potensyal sa murang edad na tatlo at dahil do'n, tuwang-tuwa ang parents niya lalo na si Master Michael. At dahil nga consistent achiever siya, naging dahilan 'yon ng mataas na expectation sa kanya ng lahat, lalo na ng pamilya niya," kuwento ni Earl.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now