SPECIAL CHAPTER I: Memories

45 2 3
                                    

"Roma, dito ka lang, ha? Babalik ako agad."

'Yan lagi ang bilin sa'kin ni Papa. Assistant kasi si Papa no'ng boss niya kaya lagi siyang kasama sa mga meeting. 'Yon ang sabi niya sa'kin.

Pagkatapos niya akong sunduin sa school, babalik pa ulit kami rito sa office dahil may meeting daw sila ng boss niya at kasama siya.

Kaya lagi akong naiiwan dito sa garden ng Carabao Park kung nasaan din 'yong tower na may design ng torch sa tuktok.

Habang naglalakad ako rito, may isang bulaklak na umagaw ng atensyon ko. Kaya nilapitan ko 'to. Kulay pink siya na mukhang rosas. Teka, rosas nga ba 'to?

Sinisipat ko talaga nang mabuti 'yong magandang bulaklak.

"Wow..."

Tumingin muna ako sa paligid ko para makasigurado na walang nakatingin sa'kin na tao. Pagkatapos ay pinitas ko 'to nang mabilis.

"Hey. You shouldn't pick flowers."

Nagulat ako nang may narinig akong nagsalita bigla. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang batang lalaki.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. At gano'n din siya sa'kin.

Sabi ng parents ko, 'wag daw ako makipag-usap sa strangers. Tumalikod ako ro'n sa bata para umalis pero tinawag niya ako.

"Wait!"

"Bata, what's your name?"

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko kasi parang kakaiba 'yong paraan ng pagsasalita niya.

"Ha? Ano 'yon?" tanong ko.

"I'm asking for your name," sabi niya.

"Alam mo, bata. 'Wag mo 'ko ini-English! Grade two pa lang ako. Hindi pa ako marunong mag-English," sabi ko sa bata.

Nakakaintindi naman ako ng English. Pero hindi ako marunong magsalita.

Mukha namang nabigla 'yong bata sa sinabi ko.

"Okay. Sorry. Uhm, ano ang pangalan mo?"

Natulala ako saglit tapos bigla akong tumawa nang malakas kasi nakakatawa 'yong pagsasalita niya.

Bulol!

"B-bakit ka nat-uh...natiwa?"

Lalo akong tumawa nang malakas sa sinabi niya. Halos naiiyak na ako kakatawa kasi bulol siya.

"Bata, bakit ganyan ka magsalita?" tanong ko.

"Uh, sorry. I can understand Tagalog, but I'm still learning how to speak it," sagot niya.

Napansin ko naman na parang nahihiya siya na nalulungkot. Siguro kasi pinagtawanan ko siya.

"Bakit kasi ganyan ka magsalita? Foreigner ka ba?" tanong ko.

"Uhm. I came from Germany."

"Germany?"

Ano 'yong Germany? Anong klaseng lugar 'yon? Nag-i-English ba ang mga tao do'n? Napansin ko nga na matangkad siya kaysa sa'kin tapos ang puti ng balat niya.

"Saan 'yong Germany?" usisa ko.

"It's from Europe."

Napanganga na lang ako. Hindi ko pa kasi alam kung ano bang lugar 'yong sinasabi niya. Kaya tumango na lang ako kahit hindi ko alam.

"Ako si Ren. Ikaw?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-iisip kung sasagot ba ako. Sabi ng parents ko, sa mga matatanda lang daw ako 'wag sumama o makipag-usap.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now