CHAPTER 67: Hold You Here

38 6 9
                                    

Naghuhugas ako ngayon ng pinagkainan ni Yoru dito sa lababo ng banyo rito sa kuwarto ko. Hindi mapakali ang isip ko mula pa kahapon.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin 'yong unknown number na natawag kay Caden mula pa kahapon. Tapos palaging nire-reject ni Caden ang tawag na 'yon. Nakakailang tawag din sa kanya ang number na 'yon no'ng araw na 'yon.

Kapag nakikita niya ang number na 'yon sa screen niya ay pinaghalong pag-aalala at alinlangan ang mababakas sa mga mata niya. At nag-aalala ako para sa kanya.

Ayaw ko naman siyang usisain sa ngayon. Oobserbahan ko muna ang lahat. Tityempo ako ng tanong sa kanya isang araw. Pero kung siya naman ang kusang magsasabi sa'kin, mas mabuti.

Natapos na rin akong maghugas ng feeding bowl ng pusang 'yon. Lumabas na ako ng banyo at itinaob ang mga 'to sa isang tabi. Pagkatapos ay nagpunas na ako ng kamay ko para matuyo ang mga ito.

Sunod ko namang nilagyan ng tubig ang isang bowl ni Yoru. Pagkatapos ay tinawag ko na siya.

"Yoru! Pspspspsps."

Pero walang lumalapit sa'kin.

"Yoru? Hoy, nasaan ka na?"

Hinanap ko si Yoru sa mga ila-ilalim at saan-saang sulok ng kuwarto ko pero hindi ko talaga siya makita.

"Nasaan na 'yon?" inis kong tanong sa sarili ko sabay pamaywang.

Napansin ko namang nakabukas nang bahagya ang pinto ng kuwarto ko.

Hindi kaya. . .lumabas si Yoru?

Agad naman akong tumungo sa pinto at lumabas habang tinatawag si Yoru.

Pagdating ko naman sa hagdan ay may narinig akong nagkakagulo sa sala. Kaya naman dali-dali akong bumaba para makita kung ano 'yon.

"Anong nangyayari?"

Nakita ko na lang si Sunshine na hawak si Yoru at si Miykal na hawak naman ni Earl sa leash nito.

"Miss Roma!" nag-aalalang tugon ni Sunshine nang makita niya 'ko.

"Miss Roma, nag-away po kasi sina Yoru at Miykal," sambit ni Sunshine.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nakalmot ni Yoru?" usisa ko sa kanya.

"Hindi naman po, Miss. Okay lang po ako," sagot ni Sunshine.

Pagkatapos ay tumingin siya kay Earl, "Pero si Earl po, Miss. . ."

Agad ko namang nilapitan si Earl at nakita kong iniinda nga nito ang sugat sa kamay na mukhang galing sa isang kalmot.

"N-nagdudugo," natataranta kong sabi.

Hinawakan ko 'yong kamay ni Earl na may sugat, "Si Yoru ba may gawa nito?"

"O-opo, Miss. Pero, okay lang po," sagot niya.

"N-naku paano ba 'to?" Natataranta talaga ako. Hindi ko tuloy alam ang gagawin.

"What happened here?"

Napatingin kami sa biglang nagsalita.

"Caden."

Pagkatapos ay lumapit siya sa'min. Kararating lang niya galing school.

"Nakalmot ni Yoru si Earl," sagot ko.

Agad na kinuha ni Caden mula sa'kin 'yong kamay ni Earl na may sugat para tingnan ito.

"Hugasan mo agad ito sa running water at sabunin mo," sambit ni Caden.

Tapos ay tumingin siya kay Sunshine, "Help Earl to treat his wound."

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now