CHAPTER 3: Happy Birthday!

188 17 64
                                    

Automatic akong bumangon mula sa hinihigaan ko. Alas singko na ng umaga—ang araw-araw kong gising kapag may pasok.

Bigla ko tuloy naalala 'yong nangyari sa'kin noong isang araw.

Muntik na 'kong masaksak ng ice pick! Nang makita ko 'yon, biglang nablangko ang isip ko. Kaya masasaksak na sana ako nang biglang may dumating.

Nahawakan niya 'yong ice pick at inagaw ito mula roon sa lalaki. Tapos ay sinipa niya ito sa mukha. One hit lang, lupasay na. Sino kaya ang lalaking 'yon? Mukha kasing pamilyar siya sa'kin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

Siguro nga medyo totoo ang pamahiin na lapitin ng disgrasya ang mga taong magbi-birthday.

Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko ang buong pamilya ko sa hapag-kainan.

"Happy birthday, Ate!"

Sabay-sabay nilang bati sa'kin. Oo, tama. Ngayon ang 18th birthday ko. Tumanda na naman ako. Ningitian ko lang sila bilang pasasalamat.

"Anong ganap?" tanong ni Reine.

Napataas ako ng kilay, "Ganap? Gaya lang ng dati, wala. Lilipas din naman ang araw na 'to," tugon ko matapos kong maglagay ng sinangag at sunny side-up egg sa plato ko.

"Wala kang debut party?" tanong pa niya.

Tumawa ako nang pagak. "May pera man tayo o wala, walang party na mangyayari. Hindi ako mahilig sa mga gano'n."

Wala silang alam tungkol sa nangyari sa'kin noong isang araw. Mag-aalala lang kasi sila. At wala talaga akong planong sabihin 'yon kahit kanino.

Ayaw ko ng may nag-aalala nang husto sa'kin. At lalong ayaw ko na may mag-isip na mahina ako.

The usual, maaga akong nakarating sa school. Agad naman sumalubong sa'kin ang mga kaibigan ko. Hinihintay nila ako sa tapat ng classroom ko.

"Happy birthday, Roma!" sabay-sabay na bati nilang apat sa'kin.

Ngumiti ako, "Salamat."

"Nagbi-birthday ka pala? Akala ko singaw ka lang, eh," pang-aasar sa'kin ni Evan kumag.

Inirapan ko lang siya pero natawa rin ako.

"Anong wish mo ngayong birthday mo?" usisa ni Phine.

"Wish? Hindi ko naman ugaling humiling eh," sagot ko.

"Ay gano'n?" sambit niya sabay nguso. "Love life ayaw mo?"pahabol na tanong pa niya nang nakangiti.

Natawa ako, "Hindi rin. Isa pa, ang alam ko napag-usapan na natin 'to? Magbo-boyfriend lang ako kapag may boyfriend na si Jeyra."

Napangiwi naman si Jeyra sa sinabi ko. Totoo naman. Napagkasunduan namin 'yong tatlo last year na magbo-boyfriend lang kami ni AJ pag nauna na si Jeyra. Mga kalokohan talaga.

"Naku, sigurado ako, tatanda kang dalaga niyan, Roma," tapos ay bumulalas ng tawa si Evan.

Tinapunan na naman siya ni Jeyra ng matalim na tingin sabay kurot sa tagiliran nito. 'Di namin naiwasang matawa nang umangal sa sakit si Evan. Sira ulo talaga.

Naalala ko tuloy 'yong nangyari sa'kin no'ng isang araw.

Sasaksakin na ako ng ice pick. Nang biglang may dumating.

Isang lalaki. Hinawakan niya 'yong ice pick at nakipag-agawan doon sa lalaki. Nang maagaw niya ito ay sinipa niya ito sa mukha. Agad naman itong bumulagta. Nagkatitigan pa kami sandali kaya natandaan ko ang hitsura niya.

Mukhang 'di nalalayo ang edad niya sa'kin. Matangkad siya. Ang tantsa ko, mga nasa 6 feet ang taas niya. Katamtaman ang pangangatawan, maputi, at chinito.

Under Our Starry SkyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum