CHAPTER 48: Moving Closer

46 6 24
                                    

Ilang araw na rin nang umalis si Chester pabalik ng Germany at medyo nakakapanibago sa mansyon. Nasanay na rin kasi akong nakikita siya araw-araw. Pero, ganoon talaga. Naiintindihan ko naman ang dahilan niya kung bakit kailangan niyang gawin 'yon.

Si Caden naman, nagkikita naman kami sa bahay pero madalang nga lang dahil busy siya sa studies niya. Si Lady Aicelle naman, bumalik na ng France kahapon. Marami pa rin daw siyang aasikasuhin do'n at hindi basta puwedeng iwanan.

Wala kaming teacher ngayon dahil wala na naman si Mrs. Lopez. Palagi na lang. Ang ingay tuloy ng klase namin. Pero sa bagay, last subject na namin 'to. Kung tutuusin, puwede na kaming umuwi. 'Yon nga lang, hindi kami papalabasin ng guard dahil hindi pa tamang oras ng uwian.

"Excuse me po."

Napatingin kami sa nagsalita at nakitang may tatlong lalaki sa may pintuan namin.

"Si Kenneth 'yan, ah," sabi ni Jacob.

"Kilala mo?" tanong ko.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Hoy, Shaina! Andyan 'yong boyfriend mo!"

"Ayiee! May pa-flowers at chocolate pa!"

Kinikilig na sabi naman ng mga kaklase ko.

Boyfriend pala ni Shaina 'yan? Nang tiningnan ko, may dala nga siyang isang rosas at isang bar ng chocolate.

Lumapit naman si Shaina na tila kinikilig-kilig pa. Namumula ang mukha niya at abot-tenga ang kanyang ngiti.

"Happy Valentine's," bati no'ng boyfriend niya sabay abot ng flower at chocolate.

"Thanks," kinikilig na sabi naman ni Shaina matapos niyang tanggapin ang regalo nito.

Tapos ay naghihiyawan sa kilig ang mga kaklase ko. At napagtanto ko lang na Valentine's nga pala ngayon.

"Sana all!!" sigaw pa nila sabay tawa naman ng iba.

Nang uwian na ay lumabas na ako ng classroom at nadatnan ko ang mga kaibigan ko. Tapos ay naglalakad na kami palabas ng gate.

"Last day na ng Feb Fair ngayon. Pupunta pa ba kayo?" tanong ni Josephine. May hawak-hawak siyang bouquet ng tulips na yellow at pink ang kulay. At malamang ay bigay 'yon ni Evan.

"Hindi na kami pupunta. Baka kasi mapuyat pa ako. Hanggang madaling araw 'yon, eh," sagot ni Jeyra.

Napansin ko naman ang hawak ni AJ.

"Oh, AJ. Kanino galing 'yang mga rosas na hawak mo?" usisa ko. May hawak kasi siyang tatlong red roses.

"Ah, eto ba. Bigay 'to no'ng admirer ko sa kabilang section," sagot niya sabay kamot sa batok.

"Nagulat kami. Hindi namin alam na may admirer ka pala," sambit ni Jeyra.

"Oo nga. Wala kang kinukuwento sa'min, AJ. Ano? Lihiman na?" nakangusong sabi naman ni Josephine.

"Aba. Kung nagulat kayo, mas nagulat naman ako," sabi naman ni AJ.

"Sa bagay, kaya nga secret admirer. Tapos ngayon lang siya na-reveal. Sana all, AJ!" kantyaw naman ni Jeyra.

Tapos ay nagtawanan lang kami.

"Oy, si Caden," sambit ni Josephine. Na-realize kong nakalabas na pala kami ng gate.

Tumingin ako sa gawi kung saan siya nakatingin at nakita ko nga ang kumag na nakatayo habang nakasandal sa kotse niya at naka-ekis ang mga braso.

"Ano kayang regalo niya sa'yo? Naku, siguradong bongga 'yan. Yayamanin, eh," dagdag pa niya.

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now