CHAPTER 31: Runaway

72 5 24
                                    

Nagtaka naman ako dahil mukhang nagulat si Daniel sa naging sagot ko.

"Oo. Bakit?" usisa ko.

"Ang pangalan ba ng tatay niya ay Michael Lacson Morgenstern?" usisa ni Daniel.

"Oo. Bakit nga?"

"Nako. Sobrang big time pala ng fiancé mo, ganda."

"Big time? Malamang, mayaman sila, eh," sambit ko.

"Hindi lang kasi sila basta mayaman. Morgenstern clan ay isa sa most influential families sa buong Germany at worldwide."

Nandilat naman ang mga mata ko sa narinig ko.

"Talaga?" tanong ko na tila hindi makapaniwala.

"Yes! In fact, his grandfather was Samuel George Hoffman Morgenstern, one of the most influential and richest people in Germany and worldwide," sambit pa niya.

"Germany? German sila?" usisa ko.

"Yes. Morgenstern's are German. Samuel George Morgenstern is a German and his wife was a Filipina. Ilang beses na rin silang na-feature sa ilang business and luxury magazines. Their family was well-known in the world of business and politics," paliwanag ni Daniel.

Literal naman akong napanganga ro'n. Business and politics?

"Teka, bakit hindi mo alam? Mapapangasawa mo ang apo ni Samuel George Morgenstern nang hindi mo alam? Hindi mo ba kinikilala ang fiancé mo, Roma?" pagtataka niya.

"Hindi naman ako interesado, eh. Saka ang alam ko lang talaga, typical na businessman lang si Sir Michael."

"Not-so-typical, Roma."

Nang maubos na ang kinakain naming ice cream ay tinapon namin ang container sa malapit na trash bin.

"Hatid na kita," alok ni Daniel.

"Saka, makikiinom na rin ako. Nauuhaw na kasi ako, eh. Okay lang ba?" dagdag pa niya.

Natawa ako nang kaunti, "Okay."

Bumunot siya ng panyo sa mula sa bulsa ng pantalon niya at pinunas niya 'yon sa pawis niya sa noo. Napansin ko naman na parang may nalaglag na kung ano na sumama sa panyo niya. Pinulot ko ito at napagtanto kong card holder ito.

Nang buklatin ko ito ay bumungad ang ID na may mukha niya.

Mendoza, Daniel Jon A. BA Political Science. De La Salle University – Dasmariñas.

Napakunot ang noo ko. Estudyante pala itong kumag na 'to at second year na siya. Magtatanong pa sana ako sa kanya at ibabalik ang card holder pero bigla niya akong inabutan ng helmet. Mamaya na lang siguro.

Nagsuot na kami ng helmet at pinatakbo na niya ang motor pagkaangkas ko.

Habang nasa biyahe ay naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa'min nakatira ngayon. Napabuntonghininga na lang ako. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?

Wala na akong nagawa kaya itinuro ko na lang ang directions kung saan siya dapat dumaan habang nagda-drive siya.

"Eto na bahay namin!" sambit ko tapos ay huminto siya. Sampung minuto rin ang drive hanggang dito.

Matapos niyang iparada ang motor sa tapat namin ay bumaba na kami.

"Oh. Eto pala ang bahay niyo. Not bad," aniya habang nakatingin sa bahay namin.

Simpleng bungalow house lang ito na kulay beige ang pintura. May pathway kami na gawa sa semento bago makarating ng kalsada. Tapos ay may garden kami sa magkabilang side ng bahay at may malawak at bakanteng lote kami sa likod.

Under Our Starry SkyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant